Ai-Ai delas Alas, wala nang atrasan sa pagpapakasal!

‘DI BA in-announce ko nu’ng nakaraang Sabado na magpapakasal si Ai-Ai delas Alas sa December kaya hindi na matutuloy ang pagsama niya kina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto sa pang-MMFF na pelikula nila?

Talaga nga palang December ang balak nilang pakasal at hindi raw sa ibang bansa, kundi dito lang sa Pilipinas!

Gusto raw ni Ai-Ai na sobrang pribado lang at walang media na makapag-cover dahil simpleng seremonya lang ito.

Kaya hindi raw rito sa Maynila kundi sa ibang lalawigan. Iyon ang hindi pa nila na-finalize.

Ang dinig ko, gusto raw ni Ai-Ai sa December 8 ang petsa, pero ewan ko pa kung talagang ‘yun na, dahil gusto niya may desisyon din ang magiging dyowa niya.

Ang tanong ngayon, meron ba silang pre-nuptial agreement? Dapat daw talaga meron bilang proteksyon na rin sa mga anak ni Ai-Ai.

Pero in fairness daw rito sa boyfriend ng komedyante, may kaya naman daw ito.

American citizen pa siya, na siya na lang nga ang naiwan dito sa Pilipinas dahil nasa Amerika na ang buong pamilya nito.

May negosyo raw na mina-manage dito sa Pilipinas, pero ang latest parang hindi na raw niya ito naaasikaso dahil sa kababantay raw kay Ai-Ai.

Sobrang ganda ng hitad dahil in love na in love nga raw sa kanya itong boyfriend niya.

Sana nga matuloy na itong balak nilang pagpapakasal, dahil ito lang talaga ang wish ni Ai-Ai.

Aalamin ko pa rin ang latest dito sa balak nilang pagpapakasal. Abangan n’yo na lang!

Samantala, nabalitaan ko rin pala na ayaw na raw gawin ni Ai-Ai ang pelikulang gustong gawin ng Star Cinema.

Ito ‘yung pagsasamahan nila nina Kris Aquino at Vice Ganda.

Siguro iniisip nito, hindi naman siya pinayagang gawin ‘yung kina Bong at Vic, eh ‘di huwag na rin niyang gawin ang kina Kris at Vice, ‘di ba? ‘Yun na!

 

ANG NABABALITAAN kong ipalit nina Bong at Vic kay Ai-Ai, si Judy Ann Santos na raw!

Parang tuloy na raw ito, pero pina-finalize na lang ang script para bumagay kay Judy Ann ang role.

Nabalitaan ko nga, nag-usap na raw sina Judy Ann at Ryan Agoncillo at nagpahayag daw ng suporta ang huli.

Kung matutuloy na si Judy Ann kina Sen. Bong at Bossing Vic, baka hindi na raw muna tutuloy si Ryan sa isang pelikulang inalok sa kanya na pang-MMFF din. Ayaw niya siyempreng kalabanin ang pelikula ng asawa niya.

Ang sabi ko nga, bakit hindi na rin kunin si Ryan kahit mag-guest lang sa pelikula. Mas bongga ‘yun, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, wala nang atrasan sa pagpapakasal!

  1. NAKU KUNG AKO KAY AI AI MANAHIMIK NA LANG SIYA AT MAGING SINGLE FOREVER NOH! WAG NA SIYANG MAGPAKASAL AT HINDI NAMAN MATUTUGUNAN NUN ANG NANINIKIP NA NIYAG KEPS HAHAHA!

  2. TAON TAON ANG ISSUE NA MAGPAPAKASAL ITONG BABALINANG ITO. DYOSKO DAY PARANG AWA NYO NA PAKASALAN NYO NA ANG BABAENG ITO KAUNAY NA SIYA EH. KUNG SINO KA MANG BOYLET KA ITULOY MO NA AT WAG MO NA ATRASAN PA HAHAHA…

Leave a Reply

Your email address will not be published.