Ai-Ai delas Alas, umiiwas ‘pag si Kris Aquino ang topic

Ai-Ai-delas-AlasALIW SI Ai-Ai delas Alas. Agaw-eksena na naman siya sa press launch ng pinakabagong fantaserye ng Kapamilya Network ang Dyesebel.

Ai-Ai plays a sirenang nanay na ang press during the event, laugh trip sa mga ikinukuwento niya lalo na ang mga “bukol” ng mga sireno na nakakasama niya sa mga eksena.

Ang hunk na si Sam who plays a sireno na ang mga abs nito ay nagsusumigaw ay agaw-pansin para sa komedyante.

“Happy na ako nito sa pagiging sirena. At least ang mga kasama ko ang mga ‘papa’ ko,” natatawang kuweto ni Ai-Ai sa amin.

Tuwang-tuwa si Ai-Ai sa mga eksena niya dahil kapag kailangan nilang lumipat ng posisyon, ang mga machong sireno ang bumubuhay sa kanya. Pansin ko nga na kapag tapos na ang mga eksena ng mga Papa Sireno, sina Direk (Don at Francis Pasion), mainitin na ang mga ulo. Waley na kasi ang mga papa macho at nag-uwian na.”

Nang tanungin kung kamusta na sila ng dating BBF niyang si Kris Aquino, biglang iwas si Ai-Ai sa isyu.

“‘Wag na natin siyang pag-usapan. Ang mga sireno na lang,” nangingiting pahayag niya.

 

SA BLIND item natin pala last Friday, nahulaan n’yo na ba kung sino ang female newscater ang tila lulong na sa casino?

Ang drama ni girl, sa VIP entrance siya pumapasok (sa etnrada na less ang mga tao) na palaging naka-shade (kahit gabi) at suot-suot ang tila turban na gamit ng mga Muslim women gayong hindi naman siya isang muslim.

Si female newscaster ay sinasabing naimpluwensyahan ng kanyang mister na isa palang sugarol even before they got married.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, umiiwas ‘pag si Kris Aquino ang topic

Leave a Reply

Your email address will not be published.