Ai-Ai delas Alas, tumabingi ang mukha dahil sa sakit

Ai-Ai-delas-AlasKAYA PALA matagal kong hindi nakakatsikahan si Ai-Ai delas Alas dahil nagkasakit ito. Nabalitaan ko lang na na-ospital sila kaya hindi ito nagpapakita. Kaya pala hindi pa siya natuloy na dumalaw kay Sen. Bong Revilla dahil ang tagal niya sa hospital.

Huli na lang namin nalaman na nagka-Bell’s Palsy pala si Ai-Ai at nagpahinga muna ito.

Hindi rin daw siya naglalabas ng mga litrato niya sa Instagram dahil nga sa tumabingi ang mukha niya.

Pero dala raw ‘yun ng stress at sa sakit na rin niya sa Migraine kaya nagpahinga muna talaga siya.

Hay, naku! Ewan ko kung ano ang ikina-stress niya, eh in love naman siya ngayon sa bagets na dyowa niya.

Sabi ko nga baka na-stress siya sa pinagdaanan ngayon ni Vice President Jejomar Binay na talagang naiipit ngayon.

Tatay-tatayan kasi ‘yan ni Ai-Ai kaya nakaka-stress naman talaga ‘yan.

Pero tahimik lang muna si Ai-Ai ngayon pagdating sa isyung ‘yan at baka hindi pa raw makatulong kung magsalita pa siya. Pero, I’m sure iritang-irita na siya!

Tingnan na lang natin kung magsasalita na ‘yang si Ai-Ai at kung ikukuwento niya ang pagkakaroon niya ng Bell’s Palsy.

Alam ko okay na siya ngayon at bumalik na sa dati ang mukha niya. Nakabalik na nga ito sa shooting niya sa pelikulang Past Tense ng Star Cinema.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.