Ai-Ai delas Alas, totoong kasal na sa non-showbiz BF?!

NAKUNAN PALA si Tanya Garcia nu’ng nakaraang linggo kaya hindi natuloy ang guesting nito sa Bonakid na show sa GMA 7.

Ayaw na sana ng aktres na ibalita pa ito, at mas gusto niyang tahimik na lang para hindi pa makadagdag ng stress, pero kailangan ni-lang sabihin dahil meron nga siyang guesting dapat na hindi na niya puwedeng siputin.

Hindi pa muna nagsalita si Tanya sa ngayon dahil kailangan daw niyang bed rest muna.

Hirap pala ito mabuntis, kaya dapat talagang magpahinga siya nang mabuti kapag nagdadalang-tao.

Gusto pa naman ni Tanya na mabuntis dahil gusto na raw nilang magka-baby boy ni Mark Lapid.

Pero hindi naman daw sila nawawalan nang pag-asa. Kailangan daw niyang mag-rest pa nang husto para puwede pa siyang mabuntis uli.

 

TOTOO KAYANG natuloy ang pagpapakasal nina Ai-Ai delas Alas at ng non-showbiz boyfriend niyang si Jed Salang sa Las Vegas?

Itinatanggi ito ni Ai-Ai kapag tinatanong siya dahil ang gusto yata niyang announcement ay ang kasal nila na gagawin sa December sa Batangas.

Pero sa ipinost daw nito sa Instagram niya, obvious na kasal ang selebrasyon nila doon na kung saan meron daw silang formal dinner kasama ang buong pamilya at pati nga raw si Miguel Vera ay nandu’n.

‘Pag masalubong ko naman ‘yang si Ai-Ai, hindi ‘yan maglilihim sa akin, eh. Pero feeling ko nga kasal na sila, at ginawa nila ‘yun sa Las Vegas.

Basta masaya lang si Ai-Ai, hayaan na natin ‘yan. At least na-experience na niya ang magpakasal.

Congratulations na rin kina Ai-Ai at Jed!

 

NAALIW AKO rito kay Neil Arce na boyfriend ni Bela Padilla dahil talagang sinasamahan niya ito kahit saan magpunta ang aktres.

Nu’ng nag-promote nga si Bela ng Love and Lies na magsisimula na sa GMA Telebabad ngayong Lunes, kasama ito at nakitsika sa akin.

Siyempre, natuwa ako lalo dahil pinadalhan niya ako ng Arce Ice Cream nila. Kaya sinabihan ko nga si Bela na huwag na siyang makipag-break kay Neil para hindi ko siya awayin, no! Natawa lang ito.

Sabi kasi nila, parang ang showbiz na raw ni Neil dahil laging nakabuntot ito kay Bela. Ang dami na niya kasing kaibigang taga-showbiz kaya kumportable na rin siya. Kaya nga nag-produce na rin siya ng pelikula at ka-partner niya rito si Ronald Singson.

Meron daw silang pelikulang ipu-promote na rin na prinodyus nila ni Ronald. Ito ‘yung Coming Soon na pinagbibidahan nina Boy2 Quizon, Glaiza de Castro, Dominic Roco at Andi Eigenmann.

Dapat nga raw ay ipag-produce din nila si Lovi Poe na dating girlfriend ni Ronald, pero hindi na raw ito natuloy.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, totoong kasal na sa non-showbiz BF?!

  1. So??? Hindi naman siya dalaga anoh? Bakit pinagpipiyestahan ng media ito? EUGENE DOMINGO!!!!! GO! GO! GO!

  2. Super nmn ang ilusyon ha. Aiai is almost 49 yrs old and by nxt year 50 na. So magbubuntis pa teh.  Yung nasasabi nyang ilang months na cyang delayed, yun yung sinasabing naglalayag kc nga almost menopausal na yan. Nora Aunor ba ang peg.  

    • HAHAHA. KAW NAMAN TEH. PAGBIGYAN MO NA. SYEMPRE, KAILANGANG MAGBUNGA ANG PAGMAMAHALAN NILA NI JED. AT DAPAT DIN NAMANG PANAGUTAN NI JED YON. DEVAH?

  3. WELL, KAILANGAN PA BANG MANGHULA? 1+1 NA LANG YAN. AYAN ANG MGA PICS. WITH MATCHING CAPTION COMING FROM AI-AI HERSELF. LAS VEGAS? FORMAL DINNER FOR WHAT? PATI MGA JUNAKIS AT EX NYANG SI MIGUEL VERA PRESENT. TAPOS, MAY CHISMAX NA JONTIS ANG LOLA. NAKOH, ALAM NYO NAMAN ANG MGA ARTISTA, PURO KACHEAPANG GIMIK ANG ALAM. MAG-JOWA, HINDI RAW SILA. PAG NAGHIWALAY NA, TSAKA AAMIN. O KAYA PAG NAJONTIS, DUN LANG AAMIN. JUICE MIO! MINSAN, DADAANIN PA SA DRAMANG “WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET.” HOMAYGASH! MGA KALOWKAHNG ARTISTA. KAYA LALONG NABOBOBO ANG MGA FANS DAHIL SILA MISMO PINAPAIKOT. HENDEVAH?

Leave a Reply

Your email address will not be published.