Ai-Ai delas Alas, tinutulungan lang si Jiro Manio para sa publicity?

Ai-Ai-delas-AlasMATULUNGIN ANG peg ng LAOS NA COMEDIENE na si Ai-ai Something. All over social media ang kanyang pagtulong sa young actor na si Jiro Manio kaya naman it generated publicity. Ikaw ba naman ang mag-post ng updates tungkol sa binata, siyempre pag-uusapan ka. Ang chika, dadalhin pa niya sa Japan si Jiro para makita ang ama nito.

Ayun, puro bash ang inabot ng LAOS NA KOMEDYANTE. Kasi naman, parang uhaw na uhaw siya sa publicity.

Well, there’s one close friend (a showbiz writer) of Ai-ai who figured in one accident months ago. A common friend asked Ai-ai for help at nagsabi naman ang komedyante na tutulungan niya ito sa hospital bills. But the help never came. Nakalabas na ng ospital ang magaling na writer pero walang tulong mula kay Ai-ai.

Was it because it will not generate publicity for the comedienne kapag tinulungan niya ang writer? Imagine, kabarkada niya noong college ang writer, kasama sa lakaran, gimikan, pero nakuha niya itong deadmahin. ‘Yan ba ang matulungin?

Anyway, nakadalawang flop na ang laos na komedyante. Una, ‘yung last movie niya, then came her first teleserye for Dos na nag-goodbye na sa mga fungi. At mukhang walang promise itong show niya with Marian and company. Tiyak na lost in emotion ito sa rating, mukhang wala itong ibabatbat sa ASAP 20 na talaga namang world-class.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleAngeline Quinto, malaki ang tiwalang aalalayan ni Erik Santos sa kanilang Araneta concert
Next articleFans ni Marian Rivera, sobrang nasaktan sa ‘very bad’ comment ni Heart Evangelista

No posts to display