Ai-Ai delas Alas, si Jejomar Binay ang presidente

Ai-Ai-delas-AlasANG ISA pang nakakaintriga ay ang pagdating ni Vice President Jejomar Binay sa burol ng ina ni Ai-Ai delas Alas.

Du’n sa huling gabi ng burol ng nanay ni Ai-Ai, dumating si Vice President Binay at natuwa si Ai-Ai. Sinabi nga niyang si Binay na raw ang presidente niya sa 2016 elections.

Parang pabiro lang na sinabi ni Ai-Ai, pero mukhang may bahid ng katotohanan, ha!

Siyempre, ngayon pa lang, nagsisimula na ang mga may balak diyan sa eleksyon na manligaw kung sinong sikat na artista ang mag-i-endorse sa kanya.

Puwedeng si Ai-Ai na nga ang kinuha ni Binay na mag-endorse sa kanya ‘pag tumakbo na itong presidenete. ‘Yun na!

Anyway, doon na rin lang sa burol ng ina ni Ai-Ai, nabalitaan din naming balak daw sanang pumunta roon ng dating dyowa niyang si Jed Salang. Pero pinigilan lang daw ito ng tatay niya para wala nang isyu.

Saka hindi naman daw puwede dahil may permanent protection order pa sabi nga ni Ai-Ai, hindi pa raw siya handang makaharap o makausap si Jed.

Hintayin na lang daw ang desisyon sa divorce nila. Wala pa raw sa ngayon, pero mukhang malapit na raw.

Ia-announce naman daw niya kung sakaling divorced na nga sila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, si Jejomar Binay ang presidente

  1. Ito talagang si AiAi, nakadalaw lang si Binay sa puntod ng inang yumao, President na aagad. Bobo talaga itong babalinang Ai Ai na ito. Naturalmente nagpakita si Binay dahil sikat si Ai Ai na komedyante at malapit na ang 2016 eleksyon. Kung hindi pa naman ito sikat, dadalawin at makilalala kaya ito ni Binay? How about those thousands of poor people who have no names na namatayan, dinalaw rin ba ni Binay isa isa sa kanila? Bakit si Ai Ai lang? Dahil sikat. Ang mga politicians talaga o, user to the max at ito naming si Ai ai, kaya walang nagtagal na lalaki dahil na rin sa kabobohan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.