Ai-Ai delas Alas, seryoso sa pagpapakita ng puwet

Ai-Ai-delas-AlasSERYOSO SI Ai-Ai delas Alas nang makatsikahan ng ilang press sa ginanap na 30th Star Award for Movies last Sunday sa Solaire Hotel na handang-handa na raw siyang maghubad sa kanyang kauna-unahang indie films.

Isang policewoman ang role ni Ai-Ai sa Ronda at may love scene siya na kailangang magpakita ng puwet. Okey at payag na siyang magpakita ng puwet, pero isa sa dalawang actor na gusto niyang makasama sa love scene, sina Cesar Montano at John Estrada. Kung nagkataon kayang kasama rin si Dennis Trillo sa gagawing indie film ni Ai-Ai, hindi kaya itsapuwera na niya sina Cesar at John.

Sa Gabi kasi ng Parangal ng Star Award for Movies ay harapan at live na sinabi ni Ai-Ai sa harap ng mga audience na humalakhak sa katatawa nang sabibin ng comedian actress na gusto niyang maka-sex si Dennis Trillo.

At may pahabol pa ito na ibibili niya rin ng kotse si Dennis na lalong ikinatuwa at tawanan ng mga dumalo sa 30th Star Award for Movies.

Anyway, hindi na raw nagtaka si Ai-Ai nang makarating sa kanya ang balitang na nangangarap na mag-artista ang kanyang ex-husband na si Jed Salang.

Wala muna raw sa vocabulary ni Ai-Ai ang makipag-relasyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang trauma na naranasan kay Jed. Ang taping ng Dyesebel ang pinagkakaabalahan niya kaysa pag-usapan ang tungkol sa ex-husband.

Ayon kay Ai-Ai, araw-araw ang kanilang taping dahil magsisimula na sa March 17 ang star-studded primetime serye na pinagbibidahan ni Anne Curtis bilang Dyesebel.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

6 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, seryoso sa pagpapakita ng puwet

  1. Sus naman AiAi, bigyan mo naman ng kahihiyan ang mga anak mo. Besides, wala ka namang maipagmamalaki so kahit huwag na, nobody is interested na expose mo any private parts ng body mo. The truth and nothing but the truth.

  2. lola ai ai maawa k nman s mga apo mo, at respeto nlang s sarili mo matanda kn para s mga bagay bagay n yan, tanong ko saiyo gugustuhin b panoorin ng mga bagets yan puwit mo n malamang kulubot n dahil gurang kn. ipaubaya mo nlang s mga mas bata yan ganyan kc saiyo hindi n bagay lalo kalang mapagtatawanan. maawa k s mga apo mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.