Ai-Ai delas Alas, plastik ang pagkatuwa sa pagdating ni Ate Guy?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na! Don’t make your Monday a blue Monday to the maximum authority of chikka siyempre from nag-iisang Tita swarding. Ayan, siyempre first day of the week na naman sa pagtatrabaho. Hahaha!

Nakakawindang na mga eksena at chikka ngayon, dahil yesterday, natuloy na ang fans day ng aking idolong si Ate Guy, si Nora Aunor, ang Superstar! At talaga namang maraming sumuporta sa kanya. Siyempre, na-ichikka ko nga sa inyo last week na talaga namang nag-guest si Ate Guy kay Kuya Germs at nagkita-kita pa roon ang mga fans niya.

Ayan natuloy na nga at nakita siya ng mga fans niya? ‘Te ang nakakaloka rito, talaga namang tuwang-tuwa sila at hindi mabayaran ang mga ngiti ng matatanda at meron pang uugud-ugod na nandu’n ‘te?

Ginawa nilang santo ang Superstar, ang kanilang idol. Pinupunas-punasan daw nila at hinahaplus-haplos. Naku, santo nga talaga! Malufet talaga, ‘di ba? Hahaha!

Naku naman, at heto pa… meron ding mga bagets na talaga namang hindi pa isinisilang, gusto ring makita kung sino ba talaga ang Superstar na tinutukoy nila. At heto pa ang chikka riyan. Nu’ng kinanta nga ni Faith Cuneta ang sumikat n’yang kantang ‘People’, talaga namang napaiyak siya at lumabas talaga ang emotion ng Ate Guy mo.

Maraming dahilan ang pag-iyak niya. Siguro ay baka yung gusto n’yang maka-duet, o siguro makanta niya ang pinasikat niya, kaya lang ay hindi na ganu’n kaganda ang boses n’ya.

Naku, Ate Guy, kahit ganyan pa, ikaw pa rin ang Superstar at wala nang makakaagaw ng trono mo.

AT HETO NAMAN ang isa pang chikka… kay Ai-Ai delas Alas. Kung natutuwa ba siya sa pagdating ni Ate Guy o hindi? Pero talaga namang lumabas sa bibig n’yang natuwa raw siya sa pagdating. S’yempre nga naman, ang matagal sa industriya lalo na sa pagkanta at pag-arte ay muling nagbabalik, dahil matagal din siyang nawala.

Kaya lang, marami naman din ang nagsasabing kaplastikan lang daw, kasi mas sinabi nga niya noon kung naalala n’yo pa, mas maganda daw at mas gusto niyang makasama noon ay si Ate Vi, ‘di ba?

Naku, ‘te… meron ding ibig sabihin na gusto lang niyang makisali, para ‘in’ pa rin siya? Ano kaya sa palagay n’yo, mga kaparazzi?

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong magaling na character actress na curious pumunta ng gay bar? Niyaya nga ito ng kanyang kumare, at pagda-ting sa gay bar, pumasok sa private room at pinatawag lahat ng macho dancer na rumampa sa harap nila at pumili ng dalawa para i-table.

Heto na ‘te… ang matinding chikka, nu’ng magbabayaran na, nag-aantayan ang magkumare kung sino ang magbubukas ng bag para magba-yad ng bill, at nagsalita na si kumare na wala siyang dalang cash. Pinatawag ng character actress ang manager ng gay bar at tinanog kung p’wedeng mag-issue ng tseke at malaki ang bayaran. Nag-yes na lang si manager dahil sikat at respetado naman si actress. Pak! Sino siya?

At siyempre, nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 khz at siyempre siya na rin ang bagong co-host sa DZRH TV. At siyempre, hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Kanino pa ba magmamana? Ayan, huh! Makinig kayo, Monday-Friday sa DWSSS 1494 KHZ, 11:30-12:00 NN at DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 pm. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

9 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, plastik ang pagkatuwa sa pagdating ni Ate Guy?!

  1. Ano ngayon kung gusto makatatrabaho ni Ai si Vi and matuwa siya na nandito na si Nora…wala naman masama sa pareho…what’s plastic about that? Yung mga reporters nag-iintriga kay Ai kasi Pro-Wenn sila dahil na badtrip sila at hindi kasama si Wenn sa movie ni Ai at Vic. Bakit ninyo tinitira ang mga ito..eh hindi naman pag-aari ni Wenn ang Tanging Ina but ABS? Obvious naman kayo!

  2. Plastik naman talaga si Ai Ai, ang matandang malibog. Alam niyang mas maganda si Nora sa kanya. Aminin. . . .

  3. intrigahin ba si ai-ai na wala namang sinasabing masama… kaw swarding ung write-ups mo talaga puro based sa opinyon mong baluktot at haka-haka

  4. naku,like na sana kita swarding kaya lang parang may mali sa issue mo about ai-ai!parang hindi tama..parang hindi bigdeal ..parang gawa2 mo lang para may ibalita ka lang..parang…basta ewan!sna ayusin mo pa ang pagbabalita mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.