Ai-Ai delas Alas, pinaiyak si Mommy Elvie Villasanta!

BLIND ITEM: Marami ang naiintriga ngayon sa malaking pagbabagong kapansin-pansin sa isang kilalang female celebrity matapos ang matinding heartache na idinulot ng break-up nila ng kanyang boyfriend. Nakagugulat kasi ang biglang pagbabago niya sa kanyang look. Mula sa kanyang hairstyle na talagang pinaiklian niya, usap-usapan din na plano na rin umano niyang kumawala mula pa-sweet into a sexier image.

Hindi pa lang daw masabi sa ngayon ng female celebrity na ito kung up to what extent ang plano niyang pagpapa-sexy.  Depende na lang daw kung gaano siya papayat.

But in fairness to her, malaki na ang nabawas sa kanyang timbang. Medyo sexy na ngayon ang hubog ng kanyang pangangatawan. At… mas gumanda pa siyang lalo.

Ang katuwiran ng female celebrity kaya blooming ulit at may kakaibang glow sa kanya ngayon, mas-yado raw kasi siyang nai-excite sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya at this point. Mula sa kanyang personal life, sa kanyang career which is under new management, hanggang sa mga bagong projects na naka-line up sa kanya.

Kaya gusto umano niyang sabayan ng pagbabago rin sa hitsura at image niya.  Minsan daw, ganito raw talaga kung may pinagdadaanan ka.

Pero bukod sa pagpapa-make-over ng kanyang look, may tsismis na nagpa-Brazilian wax din umano siya. Tuloy ay may mga nagtatanong… up to that extent talaga ang pagbabagong gusto niya? To that extreme talaga?

Sa mga hindi nakaaalam, ang Brazilian waxing ay isang proseso ng hair removal around the anus, perineum, and vagina.  It means removing all the hair from the bikini area or… removal of hair from the bikini area leaving only a strip of hair.  This is a very intimate type of waxing and will only be performed after careful consultation.

And… how closely you trim or wax your pubic hair is a personal preference. Depende ito on whatever makes you comfortable, whether it is a bare look, a more natural look, or something in between. It allows women to comfortably wear revealing swimwear ang lingerie.

So… with that, sino ang hindi maku-curious malaman kung ano ba ang gustong patunayan ng female celebrity na ito.  Parang    naka-takda niyang gulatin lahat pati na ang kanyang ex-boyfriend sa mga pagbabagong aabangan sa kanya.

Magpapa-sexy na ba talaga siya on screen? O kaya, magpu-pose ng sexy sa isang men’s magazine?

Abangan natin!

 

ANG REALITY comedy show na Mommy Elvie @ 18 na kinagiliwang subaybayan ng marami sa GMA News TV 11 every Saturday, 11:30 AM ng umaga ay isa na palang pelikula ngayon. Pangunahing tampok dito ang mag-inang sina Ariel Villasanta at Mommy Elvie Villasanta na nakatakdang ipalabas sa mismong Mother’s day ngayong month of May.

Last week, nagsimula na ang shooting nito. Balitang naiyak nga raw si Mommy Elvie dahil sa kabaitang ipinakita sa kanya ni Ai-Ai delas Alas.

Isa kasi sa nasa wish list ni Mommy Elvie matapos niyang ma-meet ang Comedy King na si Dolphy ay ang makasama rin si Ai-Ai na iniidolo raw niya bilang nag-iisang Comedy Concert Queen.

Laking tuwa raw niya nang kaagad-agad, isang tawag lang ay pumayag agad si Ai-Ai na mag-guest sa movie version ng Mommy Elvie @ 18. At ang nakakagulat pa, hindi raw nagpabayad ng talent fee ang komedyana na ngayon ay kinikilala na rin bilang isang premyadong drama actress.

Talagang iyak nang iyak daw sa sobrang tuwa si Mommy Elvie sa pagsasama nilang iyon ni Ai-Ai. Dahil dito, lalo raw niyang hinangaan ito.

Si Ai-Ai naman, sobrang na-touched daw kasi hindi nito akalain na gano’n siya iniidolo ni Mommy Elvie. Dahilan para walang pagdadalawang-isip ngang pinagbigyan nito ang wish ng matanda na makasama siya.

Siguro, parang nakita na rin ni Ai-Ai ang kanyang ina sa katauhan ni Mommy Elvie dahil halos magkasing-edad ang dalawa.

Isa kasi sa nakabibilib na magandang katangian ni Ai-Ai ay ang pagiging sobrang mapagmahal niya sa kanyang ina.

Naman!

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, pinaiyak si Mommy Elvie Villasanta!

  1. Female version ni RG parehong walang ham actor n actress. Bka sakali nga nmn umangat ang career. Kundi pa anak ni sharon i doubt kung sumikat yan.  Ang pagpapasexy lang ang way bka marecognize cya. Wala nmn kasing napapatunayan pa maliban sa anak cya ni sharon cuneta, dava kc concepcion.

  2. Ruben Marasigan bakit hindi mo na lang ini-reveal kung saan nagpa Brazilian Wax si KC Concepcion para naman free adverisement yon ni Dr. Belo ba yon????

  3. obviously yung maarteng personality ang blind item. siguro nga dapat na syang magpose sa sexy magazine dahil wala naman syang talent. masyado syang pacute.

Leave a Reply

Your email address will not be published.