Ai-Ai delas Alas, papalitan na si Pokwang sa sitcom ng Dos?!

SPEAKING OF Toda Max, naisulat namin nu’ng isang araw lang na patuloy na mapapanood si Ai-Ai delas Alas dito sa lahat ng Sabado ng August bilang si Ate Van na pinsan ni Vhong Navarro.

Ang alam namin ay may shows abroad si Pokwang, kaya wala ito ngayon sa sitcom.

Pero gaano kaya katotoo na baka ma-extend pa ng more than one month ang guesting ng Comedy Queen sa Toda Max?

Hudyat kaya ito na magiging permanente na si Ai Ai rito at tuluyan nang mawala sa show si Powkie, since nauna nang nawaley si Robin Padilla?

Usapang Ai-Ai pa rin, kung magkaayos din, maaaring gumawa raw ng indie film para sa Cinema One Originals ni Ronald Arguelles ang aktres.

On the side, may live shows pa rin si Ai-Ai ‘pag may time, gaya ng sa Pagcor Parañaque on August 16, kung saan makakasama n’ya si Aljur Abrenica, gano’n din sa August 30 sa Pagcor Angeles City, Pampanga, habang si John Prats naman ang guest n’ya sa Pagcor Tagaytay sa August 24.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.