Ai-Ai delas Alas, natupad ang pangarap na maging pokpok

Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai delas Alas

Ayon kay Ai-Ai delas Alas, wala siyang kiyeme sa pelikulang “Area” ng BG Productions International na idinirek ni Louie Ignacio at hindi rin naging isyu sa kanya ang role ng isang laos na pokpok.

“Wala namang akward-awkard na feeling or something. Hindi naman. Kasi lahat naman ng roles na ginagampanan ko, isinasapuso ko naman talaga. Artist, eh.

“Ginawa ko lang naman ‘yung nararapat, at dahil dream role ko nga itong maging laos na pokpok, kinarir ko talaga ang role,” paliwanag ng Comedy Queen.

Sana raw ay magustuhan ng Pinoy audience ang “Area” katulad ng pag-appreciate dito ng Russian audience nu’ng ipinalabas ito sa 12th Eurasia International Film Festival at nanalo pa nga ng Special Jury Prize award.

“Sana nga magustuhan, ‘di ba? Pero kung hindi, okey lang din naman. Kasi kumbaga dito, sanay rin naman ako na… siguro more of sana kung gaano ako na-appreciate sa Russia, ganu’n din nila ako ma-appreciate dito,” sey pa niya.

Dagdag pa ng aktres, “Iba kasi ang mga Pinoy, eh. But dito, alam kong matutuwa sila at mae-entertain din sila kahit papaano.”

Kasama ni Ai Ai sa Area ang multi-awarded actor na si Allen Dizon, Sancho delas Alas, at ang ilan sa magagaling na Kapampangan actors. Showing na ang pelikula sa November 9.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.