Ai-Ai delas Alas, naka-move-on na sa pinagdaanang marital problem

NAG-UMPISA NA muling mapanood sa TV, partikular sa Toda Max last Saturday night bilang pinsan ni Vhong Navarro, ang comedy queen na si Ai-Ai delas Alas.

Patunay lang na naka-move on na ang aktres mula sa masaklap na pinagdaanan nito sa kanyang buhay may asawa.

Madalas na nakakasama ni Ai-Ai ang kanyang non-showbiz friends na ang isa ay pastor, ang kanyang pinsan at panganay na anak na si Sancho at bunsong anak na si Baby Andrei na dalawang taong gulang.

Nasa Amerika pa kasi ang dalawa pang mga anak ng komedyana na sina Niki at Sophia kung saan sila nag-aaral na mga nakasama naman niya nitong huling bakasyon nila ni Sancho doon kamakailan lang.

Mapapanood pa rin si Ai-Ai sa Toda Max sa mga darating pa na Sabado nitong buwan ng August.

 

SIGURADONG RIOT ang pagsasama-sama sa pelikulang Raketeros (under Heaven’s Best Production na ang pagkakaalam namin ay pinamamahalaan ng magkapatid na Hero at Harlene Bautista) ng magkakaibigang Randy Santiago, Andrew E, Dennis Padilla, Long Mejia at Quezon City Mayor Herbert Bautista na maaari nang mapanood sa mga sinehan starting today.

Nakakatuwa na nabigyan ng pagkakataon na magbida ang matagal na ring komedyante na si Long sa nasabing pelikula na idinirek ng isa rin sa mga bida na si Randy.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, naka-move-on na sa pinagdaanang marital problem

Leave a Reply

Your email address will not be published.