Ai-Ai delas Alas, naiiba raw sa lahat ng lalaki nakikila si Jed

AT LAST, natagpuan nan i Ai Ai delas Alas ang lala-king tunay na magmamahal sa kanya sa piling ni Jed. Pinatunayan naman ng mga malalapit na kaibigan ng comedienne na their both in love. Obvious naman, nasa cloud nine ngayon ang pakiramdam ng Comedy Queen.

Ngayon nga raw na-realize ni Ai Ai na hindi puro trabaho na lang ang dapat niyang iniisip. Kailangan din nitong i-enjoy ang buhay. Hindi lang pera ang nagpapaligaya sa isang tao. Say nga niya, “Kasi last year nagkasakit ako, marami akong realization na gusto kong i-enjoy ang buhay ko. Kung mawala man siya at least, I’ll try my best i-workout kung anuman ‘yung mayroon kami ngayon. Ganyan lang naman ang buhay, marami na rin akong natutuhan. Hindi lahat work, work, hindi lahat pera, pera. May mga bagay sa buhay natin na kapag wala ‘yung blessing, hindi kailangan ang pera. Marami tayong blessing sa paligid natin hindi natin namamalayan nand’yan pala siya. Titingin muna tayo sa paligid natin at sasabihin natin, ‘nandito pala siya’.”

Buong pusong inamin ni Ai Ai na naiiba si Jed sa lahat ng mga lalaking nakilala niya at nakarelasyon. “Alam naman nating mahal ko si Jed. I think, siya ang una kong nakarelasyon na open ako. Nakakasama ko sa mga shows ko. Totoo naman ‘yung age doesn’t matter, depende ‘yun kung papaano ninyo pata-

takbuhin ang relasyon ninyo. Eh, papano kung hindi mag-work? At least, you try your best.”

Aside sa pagiging young at heart ni Ai Ai sa piling ni Jed, ano pa ‘yung mga qualities nito para lalong mahalin ng Box-Office Queen? “Si Jed kasi, buo siya. May mga taong nai-intimedate sa akin, siya hindi. Tinatrato niya ako normal na babae, syota ko ‘to, girlfriend ko ‘to, ganu’n. Hindi ako si Ai Ai, lalo na sa bahay namin. Pero kapag sinasabi ko sa kanya, may work ako, tinutulungan niya ako. ‘Yun ang gusto ko sa kanya, hindi niya iniisip na lalaki ako, nakakahiya, wala siyang ganu’n. Kapag sinabi kong tulungan niya ako, dinadamitan niya ako. Siya ang kasama ko sa show ko America so, hindi na kailangan kumuha pa ng visa. Siya ‘yung lalaking buong-buo, hindi ako nai-intimidate at hindi ako naiilang kapag binibihisan niya ako. ‘Yung ibang lalaki, hindi gagawin ‘yun, kaya mahal ko siya.”

Ikinuwento rin ni Ai Ai ang nalalapit niyang concert entitled “Tanging Family Valentine Show” with Wally Jose. Back-to- back concert ito nina Ai Ai and Psy (Gangnam Style). The Korean pop superstar is set to perform for Filipino audience (for one night only) on February 16, 8:00pm at SM Mall of Asia Arena. Siyempre, super excited si Ai Ai na makasama nito on stage ang phenomenal singer/dancer. Una raw nitong sasabihin kay Psy, “Puwede bang magpa-picture? Papa-picture ako sa kanya, pagkakataon ko na ‘yun. At least, nakita ko siya nang personal at nakasama sa concert. Kahit sinuman, naman gagawin ‘yun, ‘di ba? Hindi tayo pahuhuli sa kanila, alam naman natin kung gaano kagagaling ang mga Pinoy, world class.”

Ayon kay Ai-Ai, something different, ‘yung hindi pa niya nagagawa sa kanyang mga concert ang naiibang surprise dance number. “Matagal na rin akong hindi nagko-concert, na-miss ko. Kampante ako dahil sina Wally at Jose ang makakasama ko rito. Feeling ko, dito sa atin, ako si Madonna na makakasama ni Psy,” aniya.

Sayang nga lang at hindi magkakaroon ng duet or dance number sina Ai Ai at Psy dahil sa mismong araw ng concert ang dating ng nasabing Korean pop superstar dahil sa sobrang hectic ng schedule nito abroad.

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, naiiba raw sa lahat ng lalaki nakikila si Jed

  1. ang lakiiii naman ng boyfriend ni ai ai, para tuloy ang sarap-sarap hehe! malamang malaki rin ang kargada niyan kaya ayaw na pakawalan ng lola nyo hekhek!

Leave a Reply

Your email address will not be published.