Ai-Ai delas Alas, masama ang loob sa isang showbiz magazine

Ai-Ai-delas-AlasSA DARATING na Sunday, August 9, na pala magsisimula ang bagong pakulo ng GMA na Sunday PinaSaya na magtatampok sa komedyanteng si Ai-Ai delas Alas kasama sina Alden Richards at Marian Rivera.

Yes, kabilang ang variety show na ito ni Ai-Ai sa four shows na kasama sa pinirmahan niyang kontrata sa GMA.

Sabi-sabi, hindi raw babangga sa pabulosang ASAP ng ABS-CBN ang bagong variety show na ‘to dahil kaiba raw ito sa ASAP na mostly sing and dance naman ang konsepto ng makakalaban ng bagong palabas.

Maging si Marian na super preggy sa kanyang sitwasyon, makikisali rin sa kaguluhan nina Ai-Ai at Alden.

Pero may emote ang komedyante sa isang showbiz glossy magazine na masama ang loob niya, dahil noong anniversary ng naturang babasahin kamakailan, hindi man lang daw siya napasama sa mga artista na kabilang sa napili nilang 100 showbiz celebrities, gayong noon pa man ay very supportive na siya sa mga projects ng naturang babasahin.

“Sa VTR wala ako kahit ID photo ko. Hayaan n’yo, magpa-publish na rin ako ng sarili kong glossy magazine (pinaparinggan kaya niya si Kris Aquino) para hindi naman ako kawawa,” pahayag niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleKris Aquino, sukang-suka na raw sa isang female reporter
Next articleHeart Evangelista, gusto na ring makipag-ayos kay Marian Rivera

No posts to display