Ai-Ai delas Alas, maraming dahilan sa ‘di pagsipot sa b-day party ni Direk Wenn Deramas?!

SIMPLENG SALO-SALO lang ang naganap sa birthday party ni Wenn Deramas last Saturday (September 14) sa Tivoli Town House, Fairview. Pawang malalapit na kaibigan lang ang invited guests ng box-office director. Siyempre kumpleto ang cast ng Momzillas na sina Maricel Soriano, Eugene Domingo, Andi Eigenmann, Billy Crawford, Joey Paras, Divina Valencia, Atak, Lazzy Marquez and Charles Yulo.

Hindi naging hadlang ang malakas na ulan sa pagdating ng mga kabigan ni Direk Wenn from showbiz. Nandu’n din sina Vice-Ganda, Zanjoe Marudo, Jaclyn Jose, Jenny Miller, Desiree del Valle, Sweet, Karla Estrada, Direk Dyogi, Malou Santos at Derick Hubalde (Zuma). Hindi man nakarating ang ibang artista na nakatrabaho ng Master Storyteller, tinawagan naman nila ang butihing director para batiin ito sa kanyang kaarawan.

Naintriga kami sa hindi pagdating ni Ai-Ai Delas Alas na always present tuwing birthday ni Direk Wenn. Ipinaliwanag naman nito kung bakit absent si Ai-Ai nang gabing ‘yun. “Maaga pa tinawagan na ako ni Ai-Ai. Sabi niya, aagahan niya ang punta dito sa house, 6pm nandito na raw siya. Sabi ko, hindi pa ako ready. Okay lang, kahit hindi ka na makarating. Marami kasi siyang nasagutan, uumagahin na ito, 3am na raw siya makararating dito sa bahay. Huwag na, naiintindihan ko naman si Ai-Ai.”

Namataan din namin si Danreb Belleza kasama ang Mom niya na si Divina. Personal nitong ibinigay ang  oil painting (mermaid) na regalo nilang mag-ina kay Direk Wenn. Agad namang isinabit ng box-office director ang painting ng dating actor sa kanyang sala at pansamantalang ibinaba ang painting na birthday gift ni Derek Ramsay last year. Naka-emote din sa living room ang mermaid painting na regalo ni Cris Villanueva.

Sobrang happy si Direk Wenn sa lahat ng blessing na dumarating sa kanya. Wala na raw siyang mahihiling pa kay Lord. Walang kaba factor na nararamdaman ito sa nalalapit na showing ng kanyang pelikulang Momzillas on September 18. Ipalalabas na rin ang launching movie ni Joey Paras na Bekikang this coming October na siya rin ang director plus ang pang-Metro Manila Film Festival niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Vice-Ganda. For the year 2014, fully-booked na si Wenn D, siya lang ang nag-iisang director na walang pahinga sa dami ng TV/movie project.

 

HAPPY SI Sheryl Cruz sa pagbabalik-Kapamilya. Personal choice pala siya ni Direk Wenn Deramas para gumanap na ina ni Andi Eigenmann sa fantaseryeng Galema, Anak ni Zuma. Na-touch naman ang actress nang malaman niya ito. Mas challenging ang role ni Sheryl kaysa sa character na ginagampanan ni Sunshine Cruz.

Kumusta naman ang relationship nina Sheryl at Sunshine na minsan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-pinsan? “Kung anuman ‘yung naging misunderstanding namin ni Sunshine noon, nakapag-usap na kami. Naging maayos na ang lahat, mas lalo kaming naging close ngayon, pati mga anak namin magkakakilala na. We have to move-on at maging positive in life. Pareho na kaming nag-mature and at the sametime we are both moms na.

“I admire her, alam ko ang pinagdadaanan niya ngayon na pinagdaanan ko rin noon. May mga trial tayo in life na dumarating na hindi natin inaasahan. Eventually, malalagpasan din ‘yun ni Sunshine. She’s a strong woman at alam kong kakayanin niya ang mga pagsubok na dumarating sa kanya,” pahayag ni She.

May special someone na kaya ngayon si Sheryl? “May mga nanliligaw, nagpaparamdam pero hindi pa ako ready for another relationship. I’m happy with my life now with my only daughter. Sa kanya naka-focus ang atensiyon ko at sa career. Ayakong madaliin ang mga bagay-bagay about my personal life. Darating ‘yun kung talagang itinakda ng panahon,” makahulugang sagot ng actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, maraming dahilan sa ‘di pagsipot sa b-day party ni Direk Wenn Deramas?!

  1. Hindi naman importante pa kung dumating si babalina or not! May relevance pa ba sya?
    nandoon naman ang paborito naming Vice Ganda noh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.