Ai-Ai delas Alas, maraming blessings pero tigang!

KAUGNAY NG kanyang double win para sa mga kategoryang Best Comedy Actress at Best Single Performance By An Actress sa katatapos na PMPC Star Awards for Television, nasabi ni Ai Ai na, “Maraming blessings, wala na namang sexlife!” Gano’n kasi, eh. Na hindi naman lahat ibi-nibigay sa ‘yo.

“At saka tuwing may movie ako, celebrate ako talaga. So, kapag dumadami ang ganito (blessing sa kanya), alam ko na ang ibig sabihin… behave!”

Paano kung tumagal ang panahong walang tigil ang pagbuhos ng blessings?

“Eh, ‘di wala na akong sexlife! Ha-ha-ha! Gano’n talaga. Wala na tayong magagawa. At tinanggap ko na. Matagal ko nang tinanggap iyon.”

Pero kung bibigyan siya ng pagkakataon to make a choice?

“Siyempre rito pa rin ako sa career. Sa career ko ako. Kasi ‘yong career ko, marami akong natutulungan, eh. Kapag lovelife, sarili ko lang ‘yon. Eh, ayoko namang isipin ang sarili ko lang. Dahil marami akong dapat isipin na tinutulungan.  At marami rin akong dapat na i-consider na emosyon. Hindi lang sariling emosyon ko. Kumbaga, ayokong maging selfish.”

‘Yun na!

 

MAKALIPAS ANG maraming taon, muling magkakasama sa trabaho ang dating magkasintahang sina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa bagong primetime series ng ABS-CBN na Walang Hanggan. Excited nga raw si Goma sa nalalapit na pagsisimula ng taping nila.

“It’s nice,” aniya. It brings back memories. Oo.Basta ang masasabi ko, masarap na katrabaho si Dawn. Magaling na artista. Very professional. At saka ang haba rin ng pinagsama-han namin ni Dawn, e.

“No’ng first time na nag-meet kami… parang story conference ‘yon. It was nice. It was nice to see her again. Kasi no’ng nag-separate kami noon ni Dawn, magkaibigan kami, e. Nang malaman ko na I’ll be working again with dawn, na-excite ako.”

What about Lucy, ano ang naging reaksiyon sa muling pa-kikipagtrabaho niya kay Dawn?

“Si Lucy, kaibigan naman niya si Dawn, e. At saka ‘yong asawa ni Dawn (si Anton Lagdameo), magkatrabaho rin sila ni Lucy sa Congress. Kasi Congressman na rin ang asawa ni Dawn.”

Sa TV5, katatapos lang din niyang gawin ang bagong show niyang The World’s Biggest Game Show which they taped pa sa Malaysia.

“I am very fortunate that I was able to work for both stations. Basta hindi lang conflicting ‘yong shows.”

Aware ba siya na may isyung hindi raw siya kuntento sa TV5 kaya tumanggap siya ng project sa ABS-CBN?

“Eh, alam mo naman ang ibang tao, may masabi lang. Basta ako, I’m very happy with what I’m doing now.”

Bukod sa kanila ni Dawn, sino pa ang ibang artistang makakasama nila sa Walang Hanggan?

“Sina Susan Roces, Eddie Gutierrez, Helen Gamboa, tapos sina Coco Martin, Paulo Avelino, Melissa Ricks…. Sa story, ano kami ni Dawn, hindi kami mag-asawa pero nagkaanak kami.”

What about movies?

“May tinatrabahong script ngayon.  Hindi ko alam kung kakayanin kong gawin, eh. Kasama ko si Piolo (Pascual) do’n, si Dingdong (Dantes)… sa production ito ni Erik Matti. Parang good guys, bad boys ang tema ng pelikula. It’s a police story.”

Halos dalagita na ang unica hija nila ni Lucy na si Juliana. Talagang nahihirapan pa rin sila na masundan ito.

“Oo nga, eh. We’ve been wanting to have another one. Kaya lang, natatagalan, e.”

How often ba kasi ang intimacy nila ni Lucy?

“Intimacy? Eh, gabi-gabi, katabi ko si Lucy, eh!” natawang sabi ng aktor.

Pero hindi pa rin nga sila makabuo?

“Wala, eh. Hindi pa ibinibigay ng Diyos. Maghihintay na lang. In God’s time.”

Ano naman ang plano nila for Christmas?

“Dahil Congresswoman si Lucy, definitely we’ll be there sa distrito niya (sa Ormoc, Leyte). Mahirap talaga na maging public servant. But the good thing about it, nakikita mo talaga na kapag nakakatulong ka sa tao, lalo na doon sa Ormoc na ang daming mahirap na tao at mga walang trabaho. So, kung ano ‘yong kayang gawin namin, ibinibigay namin sa kanila.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

5 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, maraming blessings pero tigang!

  1. kalibugan talaga ng babaeng hitad na itild! sa dami ng pera mo, bumili ka na lang ng dildo at isalpak mo sa dapat mong salpakan para lumigaya kah! ang tanda mo na, ka elyahan ka pa rin!