Ai-Ai delas Alas, kinikilig ‘pag tinutukso kay Dennis Trillo

Ai-Ai-delas-AlasNAGBA-BLUSH PA rin at parang mangisay-ngisay sa kilig si Ai Ai delas Alas sa tuwing itutukso kay Dennis Trillo. Nagsimula ang isyung type na type niya ang aktor nang magkatabi sila bilang dalawa sa mga ginawaran ng Dekada Awards sa nakaraang 30th PMPC Star Awards For Movies.

Si Aga Muhlach daw na isa sa mga naging hosts ng nabanggit na awards night ang nagpasimula na tuksuhin sa isa’t isa sina Ai Ai at Dennis.

“Kasi alam niya, single si Dennis at single din ako,” natatawang kuwento ni Ai Ai. “Siya ang nanloloko sa amin. Sabi niya, ‘o, may katabi ka na namang guwapo, mamaya bibigyan mo na naman ng kotse ‘yan!’ Tapos sabi ko, Dennis you like cars? Hahahaha! Gano’n. Sinakyan ko lang nang sinakyan ang panunukso ni Aga sa larangan na huwag kaming ma-bore. Kasi nga, ‘di ba, ang tagal ng awards night?

“Do’n iyon nag-start. Tapos pinaglololoko na ako no’ng iba pa na naroon na… ano, kinuha mo na ba ang number ni Dennis? Nakuha ko naman nga ang number niya after. Frend-frend lang. Hindi ko naman siya inalok ng Camaro,” pagtukoy niya sa isang brand ng kotse.

“Hindi ko muna siya inalok. Next time, re-recover muna ako from the pain! Hahahaha! Hindi, nagpapatawa lang ako. Huwag na lang from the pain, from financial problem! Hahahaha!”

Type nga raw sana rin niyang maging leading man si Dennis sa gagawin niyang isang indie movie.

“Gusto ko nga sana. Kakausapin ko siya, pero I heard na may movie na pala siyang gagawin na indie. Eh, gano’n talaga. Pagkakataon ko na sana na matikman ko si Dennis do’n! Hahaha! Eh, wala. Ayaw i-allow.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, kinikilig ‘pag tinutukso kay Dennis Trillo

  1. ang talande talaga ng bruhang yan na ai ai!!! grabe, as if PAPATOL sa kanya si Dennis?!
    karumal dumal na babae ka. hindi ka na na dala!
    kahiya-hiya talaga. mga anak mo na lang atupaginmo.
    letse ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.