Ai-Ai delas Alas, ka-date ang non-showbiz bf sa concert ni Jose at Wally sa Araneta!

AYAW PA ring magsalita ni Dra. Vicki Belo tungkol sa hiwalayan nila ni Hayden Kho, Jr.

Na-link na sa kanya ang yoga instructor niyang si Al Galang, ang sumunod naman ngayon, ang model nila sa Flawless na si Edward Mendez.

Nakausap nga ni Butch Francisco si Edward na lumabas sa Startalk nu’ng Sabado na itinatanggi niya ang pagkaka-link nila ni Vicki. Naging close daw sila pero walang malisya raw ‘yun at magkaibigan lang daw talaga sila.

Pero ang alam ko kasi, si Edward talaga ang pinagseselosan ni Hayden noon pa. ‘Pag hindi kasi puwede si Hayden, si Edward ang isinasama ni Vicki sa mga events na pinupunta-han nito. Kaya hindi malayong ma-link nga silang dalawa.

Ang dinig ko naman, hindi nga si Vicki ang nali-link kundi ang isang staff nila noon na taga-Singapore na wala na sa kanila ngayon. Kilala ko ang babaeng ‘yun, pero di ko na lang isusulat. Hindi naman siya kilala, eh.

Kahit anong mangyari, hindi na raw talaga magsasalita si Vicki dahil mabuting tahimik na lang.

Sa Miyerkules na yata nila ilo-launch si Vice Ganda bilang isa sa mga endorser ng Belo Medical Group, pero hindi raw sisipot si Vicki para hindi sa kanya naka-focus ang presscon na ‘yun.

Ang isa namang nali-link kay Hayden na si Nancy Castiglione ay ayaw pa ring magsalita.

Nagpa-interview lang noon sa Startalk via phone patch, at pagkatapos nu’n, tikom na ang bibig niya.

Nu’ng nakaraang Lunes, merong silang event na pina-ngakuan ni Nancy na dadaluhan, biglang umatras ito nang nalaman niyang maraming media ang nag-aabang sa kanya.

Meron din siyang hosting job sa Manila Polo Club, sinugod siya roon ng mga reporter, nagtago talaga siya sa dressing room at kaagad umalis pagka-tapos ng hosting niya.

Hindi na raw talaga siya magsasalita at hayaan na lang mamatay ang isyu dahil hindi naman daw talaga totoo.

Ewan ko na lang! Tingnan na lang natin. I’m sure may kasunod pang kuwento ‘yan!

 

CONGRATULATIONS SA sikat na duo ngayon na sina Jose Manalo at Wally Bayola dahil talagang pinuno nila ang Smart Araneta Coliseum sa concert nila nu’ng nakaraang Biyernes.

Ang dami pa nilang guests pero enjoy na enjoy raw ang mga manonood dahil sa mga katatawanan nina Jose at Wally.

Doon na rin in-announce na pagkatapos nitong concert ay magkakaroon na rin sila ng pelikula na ipu-produce ng APT Films.

Kaya mangiyak-ngiyak daw sila sa sobrang tuwa dahil wala raw sa hinagap nila na makapag-concert sila sa Araneta Coliseum.

Isa sa mga special guests nila roon ay si Ai-Ai delas Alas na ang kuwento sa akin, kasama raw niya roon ang non-showbiz boyfriend niya. Kamukha raw ni Sen. Bong Revilla ang boylet at mukhang in love daw sila sa isa’t isa.

Inaabangan din daw roon sina Vic Sotto at Pauleen Luna na hindi naman sila magkasama dahil nag-perform din si Bossing Vic at si Pauleen ay nanood lang kasama ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga.

Guest naman sina Jose at Wally sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado na taus-pusong nagpasalamat sa lahat na sumuporta sa kanilang concert.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, ka-date ang non-showbiz bf sa concert ni Jose at Wally sa Araneta!

  1. itong mga tiga-dos eh akala mo ang babait. mga gago, yung mga sugo nyo na galing sa tinitirhan nyong impierno eh walang ginawa kundi laiitin ang mga tiga-siyete kahit wala sa column eh binibira,tapos bitter sila kapag bumabawi? mga ulol

  2. ganiyan talaga ang mga insecure sa DOS, kasi yung paborito niyang gma, binebenta na kay pangilinan, dahil naghihirap na si gozon sa dami ng lugi, kaya pati mga artista ang mga tv execs nila naglalayasan na, mwahahahaha

  3. @ hugoparada, ang laki ng galit mo sa Dos ano? si ai-ai ang topic, pero sinali mo pa ang ABS-CBN. Meron ka bang nakita na binanggit ang ABS-CBN sa issue, wala di ba? Mag-noodles ka muna at sahugan mo ng sardinas at nilagang quail eggs para mawala ang pagiging bitter mo…lol! :-D

  4. NAKAKDIRI naman yang wacowaco AI Ai dela Alas na yan, sobrang HILIG manlalake. Parang walang kahihiyan ang ABS CBN star na si Ai Ai delas Alas, all grown up na ang mga anak, pero yung si Nanay Ai Ai, kung makaasta akala mo laging mauubusan ng lalake, sobrang nakakahiya yang kapamilya star na yan, IMORAL!

Leave a Reply

Your email address will not be published.