Ai-Ai delas Alas at James Yap, may payo sa isa’t isa

James-Yap-Ai-Ai-delas-AlasSA NAKARAANG Pepster Choice Award ng Philippine Entertainment Portal team, inilarawan ni Ai-Ai delas Alas na love-hate relationship ang pagkakaibigan nila ni James Yap na nagsimula sa isang tampuhan, nauwi naman sa isang malalim na pagkakaibigan ngayon.

Nang tanungin kung ano ang payo na ibinibigay nila sa isa’t isa, ayon sa komedyana ay sinasabihan niya si James kung paano maging isang mabuting ama sa anak na si Bimby dahil alam niya na ito ang makapagpapalambot sa puso ni Kris. Sa kabilang banda, pinapayuhan naman ng basketbolista si Ai-Ai na mas maganda kung date-date na lang muna ang gawin nito at huwag munang sumeryoso sa isang relasyon para makaiwas na rin sa sakit dahil sa pag-ibig.

Sa nasabing presscon din, natanong si James sa naging pahayag ni Kris Aquino sa isang episode ng Kris TV na sana ay mag-exert pa ng extra effort ang dating asawa para maka-bonding pa ito kay Bimby, dahil may mga bagay na hindi niya maibibigay rito na tanging ang Tatay lang nito ang makakakagawa. Depensa naman ni James, isang araw lang niya nakakasama si Bimby at kulang nga naman ito para makapag-bonding talaga sila ng anak. Ang hiling nga ng basketbolista, madagdagan pa ang araw na makasama si Bimby, bagay na nasa kamay na ni Kris at ng mga abogado nito.

Hanggang sa ngayon pala, epektibo pa rin ang PPO na sinampa ni Kris laban kay James, pero naniniwala ang basketbolista na bilang mga magulang ni Bimby ay darating din ang oras na kailangan nilang magharap at mag-usap ni Kris nang walang abogadong nakaharap sa kanila.

Nang mapag-usapan naman ang nababalitang espesyal na relasyong namamagitan kina Kris at Mayor Herbert Bautista, ayaw magkomento ni James tungkol dito. Pero para sa kanya, masaya siya kung saan magiging masaya ang dating asawa, lalo’t masaya at kuntento na si James sa kanyang Italian girlfriend.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.