Ai-Ai delas Alas, ipinasilip ang listahan ng mga abay, ninong at ninang sa kasal nila ni Gerald Sibayan

Ai Ai Delas Alas

SA pocket interview namin kay Comedy Queen Ai-Ai delas Alas para sa pelikula niyang Bes and the Beshies na showing on Oct. 18 ay nagbigay siya ng konting detalye tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Gerald Sibayan.

Ayon pa kay Ai-Ai, 300 ang nasa kanilang guest list at siyempre, bawal daw ang gatecrasher.

May listahan na rin si Ai-Ai ng buong entourage mula sa Principal Sponsors, Maid of Honor, Matron of Honor, Best Man, Grooms Men, Brides Maid at Secondary Sponsors

“Sa mga artista, Matron of Honor si Mega (Sharon Cuneta). Tapos si Bayani Agbayani, Ogie Alcasid at si Ate Regine (Velasquez) andon din.

“Si Rufa Mae (Quinto), saka si Jose (Manalo). Si Pops Fernandez saka si Papa P (Piolo Pascual). Yes, abay ko si Papa P.

“Kasama din sina Randy Santiago at asawa niya. Gerald Napoles at Valeen (Montenegro). Si Eugene Domingo, si Barbie (Forteza). Sila ang mga Brides Maids at  Grooms Men.”

Base sa rough draft ng invitation ni Ai-Ai, ang anak na si Sancho (delas Alas) at Alden Richards ang kanilang Best Men.

Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa Candle at sina Dingdong Dantes at Marian Rivera naman sa Veil.  

Kabilang naman sa principal sponsors (ninong at ninang) ng Sibayan-Delas Alas Nuptials ay sina  Boy Abunda, Cory Vidanes, Willie Revillame, Chavit Singson, Antonio Tuviera, Cong. Vilma Santos, Lily Monteverde, Lolit Solis, among others.

Samantala, ang Bes and the Beshies ay sinulat ni Ricky Lee at idinirek ni Joel Lamangan. Kasama rin sa pelikula sina Carmi Marti, Zsa Zsa Padilla at Beauty Gonzales. Produced ito ng Cineko Productions.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.