Ai-Ai delas Alas, insekyora kay Pokwang?!

OLA CHIKKA!! NATAWA naman ako nang mabasa ko ang isang blind item sa tabloid na dahil sa sobrang given na as in kahit bata yata mahuhulaan ay alam na alam na!

Based lang naman sa hula ko, ang tinutukoy sa istorya ay ang isyu tungkol dito sa Queen of All Media na si Kris Aquino at ang mga komedyanteng sina Ai-Ai delas Alas at Pokwang.

Kung matatandaan kasi, niregaluhan ni Tetay itong si Pokie ng customized pink van bilang pasasalamat sa pagsuporta sa kanyang kapatid na ating Presidente na ngayon.

Samantalang kay Ai-Ai, mga appliances daw umano. Siyempre, kitang-kita mo na ang diperensiya, ‘di ba? Ano nga ba naman ang appliances kumpara mo sa customized van?

Teka… malay mo complete appliance showcase pala! Ha-ha-ha!

Sa bagay, may karapatan nga namang magdamdam itong si Ai-Ai, hindi dahil sa naging materialistic siya at naipagkumpara pa niya ang regalo sa kanila. Malamang ang dahilan nito, ang friendship nila ni Tetay, at napakatagal na nilang close at hard support din naman siya sa brother ni friendship. Samantalang si Pokie, bago lang… tsk tsk tsk!

Inggitan portion ba ito? Kung totoo man ang chikkang ito ay talagang mapapa-ouch si Ai-Ai. Pa’no ‘yan hindi na dapat friendship ang tawagan nila, kundi… SHOWBIZ FRIENDSHIP na lang!

Ano mga kaparazzi? May dahilan na ba para masabihan si Ai-Ai na insekyora kay Pokwang? Hmmm…

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong young actress na sa kabila ng kanyang pagtuntong sa kasikatan ng kanyang career ay ganu’n din siya kabilis na-disappear?!

Tamah! Ilang mga palabas na rin ang kanyang pinagbidahan at talagang bumenta sa mga manonood. Malamang dahil sa kanyang karisma at chemistry nila ng kanyang ka-loveteam,at maraming kinilig sa kanila.

Ngunit kapansin-pansin ang biglang pagkawala ng young actress at maraming nagsabi na napag-iwanan na siya ng kanyang ka-loveteam na talagang nagiging in demand na ngayon.

Akala ng marami ay nagbabakasyon lamang siya dahil naging sobrang busy nga naman niya at ninais lamang na magpahinga.

Ngunit nawindang ako nang sabihin sa akin ng aking parazzi girl na nagtatrabaho sa isang talent agency na kaya wala raw sa eksena itong si young actress, dahil may sarili siyang eksena kung saang lupalop man siya ng mundo naroroon as… soon to be mom!

Tamah! ‘Yan ang nasagap kong chikka na nabuntis daw ito ng isang actor na mula sa isang artista search kaya biglang disappear ang drama niya. Hmmm… totoo kaya ito?

Eh, ‘di hintay tayo ng 9 months for confirmation! Ha-ha-ha!

Sino siya? Subaybayan na lamang sa aming programa sa DWSS 1494 kHz, weekdays, 11:30-12 nn, at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, insekyora kay Pokwang?!

  1. Kris Bernal is not the Blind Item …Right after her stint in The Last Prince.. She indeed have a vacation in time for the promotion of GMA Pinoy Event in North America with Steven Silva, Ana Julaton and that with Jolina MAgdangal for Fil American Expedition..plus visited her relatives together with her MOM who relatives are from US both Mother and father side..She stayed in lakeview..went as far as San Francisco, Las Vegas, California, San Francisco, Sacramento, Los Angeles.. Right now she is abck in the Philippines that she was given by GMA to lead KOREANA to be aired on October 11 and is now busy Taping.. Come Oct. 5 a Press Launch will be met… I am sure some TV Plugs for KOREANA had been out.. In fact she’ll be with The veteran MR. Eddie Garcia whose Korean technical Consultant assisting them..

  2. Tama Kris Bernal.. when her last show was finished ..she left for US to do some GMA Pinoy TV Stints in North America, Sacramento, Los Angeles.. She indeed have a vacation with her Mom.. in fact she is back in Manila doing some guestings and now busy in her lead role as KOREANA to be aired on OCtober 11..

  3. TELL AI AI, ITS CALLED TIME, ITS CALLED QUITS. LAOS NG NGA SIYA, HOW TERIBLE MP3 RATINGS, KAYA HAYON MAGTATAPOS NA, SANDALI LANG. BUKOD SA LAOS NA SILA NI AGA, MASYADONG TINIPID CAST, HALOS WALANG KASAMANG ARTISTA, 2 LANG ATA.

  4. LAOS NA KASI SI AI AI. HINDI NA KINAKAGAT MGA ANTICS NIYA. SI POKWANG, KAINITAN SA MASA, ISAMA PA SI MELAI NA MAS MAINIT SA NGAYONG FEMALE COMEDIENNE.
    SEE RATINGS OF MP3, MADALING MATATAPOS EPISODES, PINAGSAMA BA NAMAN PAREHONG LASO NA, E AYAN ANG IKLI NG EPISODE..

  5. ang alam ko kadarating lang ni kris bernal galing ibang bansa dahil may show sila dun kasama si jolina magdangal. nag fofollow ako sa tweet nya eh

  6. KAYA NGA IMPOSIBLE YUN KUNG SI KRIS BERNAL NGA SIYA NDE SIGURO :D PERO MALAY MO KASI SI JAY PERILLO DI BA BOYFRIEND NIYA NA GALING SA REALITY SEARCH NA KANTAHAN KASABAY NI FRENCHESKA FARR TAMA BA ETETCH :D

Leave a Reply

Your email address will not be published.