Ai-Ai delas Alas, inggit sa lovelife ni Marian Rivera!

SOBRANG THANKFUL si Marian Rivera sa Star Cinema sa pag-aalaga, pag-aasikaso at pagmamahal na ibinigay sa kanya during the shooting ng pelikulang Kung Fu Divas with Ai-Ai delas Alas under Star Cinema, Reality Entertainment at O & Co. Picture Factory. Producer Din siya ng nasabing epic comedy-adventure same with Ai-Ai.

Sabi nga ng Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian, bukod sa talent fee niya, nagdagdag pa siya para maging equal sharing sila ng Comedy Queen.

“Iba pala ‘yung feeling kapag producer ka, lahat dadaan sa ‘yo for approval,” tsika ng dyowa ni Dingdong Dantes.

Malaking sakrapisyo ang pinagdaanan nina Ai-Ai at Marian habang ginagawa nila ang pelikulang ito. Kailangang mag-aral pa ng martial arts at kung fu ang dalawa para hindi sila magmukhang tanga sa manonood. Maging realistic ang kilos at galaw nila sa mga fight scenes. Bukod pa sa ilang oras na rehearsals before the take.

Ayon kay Direk Onat Diaz, kailangan pa silang kumuha ng professional fighting instructors from China na magtuturo kina Ai-Ai at Marian. Nakabibilib din ang special effect ng Kung Fu Divas, bumilib nga ang reyna ng GMA-7 dahil first time siya nakagawa ng pelikula na halos lahat ng mga eksena niya ay nasa chroma.

Sa Kung Fu Divas, nabuo ang friendship nina Ai-Ai at Marian, kuwento ng dalawang reyna. Maging ang personal nilang buhay na nai-share nila sa isa’t isa. Inggit na inggit nga ang comedy queen kay Marian dahil may Dingdong Dantes ito na totoo raw na nagmamahal sa kanya. Maramot raw siya pagdating sa taong mahal niya, hindi niya ito puwedeng i-share.

Pawang papuri ang binato nina Ai-Ai at Roderick Paulate kay Marian.

“Kung makikilala lang ninyo ang totoong Marian, mamahalin ninyo siya. ‘Yung pagiging totoo niya kung minsan nami-misterprent lang siya ng ibang tao. Totoo kasi siyang makisama sa kapwa, walang halong kaplastikan. Kung totoo ka sa kanya, magiging totoo rin siya sa ‘yo. Huwag mo lang siyang lolokohin, ‘yun na ang ending ng inyong friendship,” pahayag ng comedian/ politician.

Naging sentro rin ng usapan ang panty ni Ai-Ai sa pelikula na kulay yellow na biglang bumagsak sa kalawakan at umulan ng panties. May pinanggalingan daw ‘yun sa istorya, ayaw lang ikuweto ni Direk Onat. Panoorin na lang daw natin ang pelikula nila para malaman ang kasagutan. Ganu’n?

 

EXCITED NA malungkot ang feeling ni Victor Basa sa nalalapit na pagwawakas ng My Husband’s Lover ng GMA-7. Hindi kasi nila alam kung ano ang magiging ending ng beki-seryeng ito. Si Eric ba ang pipiliin ni Vincent o si Lally na may dalawa silang anak? Nakabitin pa sa ere ang kasagutan. Maging ang buong cast ay hindi pa alam ang magiging wakas ng istorya.

Okay lang kay Victor makipag- kissing scene or bed scene siya sa kapwa niya lalaki kung kinakailangan talaga sa istorya. Sabi ng actor/model, “Hindi naman ako apprehensive sa physical contact, ‘yung ganyan. ‘Yun ang tinuturo sa acting workshop. Kapag nili-limit mo ang sarili mo, it means you can do less.”

Kung ang actor/model ang tatanungin kung kanino niya gusto mapunta si Vincent, “I would like to see Vince ends up with Eric. Never pa natin nakikita ‘yun sa TV. In real life, usually nag-i-stay ‘yan sa wife. Kailangang magpakatotoo ka sa sarili mo. Kung ibi-base sa story, talaga namang mahal na mahal ni Vince si Eric,” aniya.

Ikinuwento ni Victor na hanggang  Europe ay napapanood ang MHL. “’Yung uncle ko, successful in Amsterdam. Sabi niya, ‘thank you for portraying  with dignity’. Sabi rin niya, ‘you have to do something because you are the famous gay man in the family’. Sabi ko, role lang naman ‘yun.”

Super supportive daw si Divine Lee sa pagganap ni Victor as paminta sa beki-seryeng MHL. “Sabi niya, ang galing, ito dapat ang gawin mo. Support talaga siya sa akin. I guess, timing lang talaga. May mga kaibigan akong ganu’n, pero tina-try kong huwag gayahin.”

Palibhasa hunk actor si Victor, hindi maiiwasang may mga gay na nagpaparamdam na gusto siyang ligawan. “May nagpapadala ng regalo, hanggang du’n lang. Wala talaga ‘yung ligaw, parang admirer lang ang tingin ko. Well, hindi naman uso ngayon ang ligaw,” turan ng binata.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, inggit sa lovelife ni Marian Rivera!

  1. PR strategy lang ito para mapabango ang image ni Marian at iangat ang lugmok niyang career after the mega flopbuster My Lady Boss at paglaglag niya kay Popoy Caritativo. Saka huwag na dapat mainggit si AiAi kay Marian dahil hindi naman sila magkakatuluyan ni Dingdong. Fearless forecast yan. Aw!

  2. inggit si half moon kay marianita dahil ang bruha parating nadidiligan pero siya wala nang dumidilig sa kanya haha, kaya nakukuntento na lang magpantasya sa tarugs ni edward mendez hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.