Ai-Ai delas Alas, hinuli ng mga pulis?

Ai-Ai-delas-AlasNATAWA NA lang si Ai-Ai delas Alas nang makarating sa kanya ang lumabas na blind item na siya ang tinutukoy.

Sa blind item ay sinasabi na hinuli ng pulis si Ai-Ai nang dumalo ito sa 30th PMPC Star Awards na ginanap sa Solaire Resort & Casino kamakailan.

Nakita kasi ng nagsulat ng blind item na nakayapak si Ai-Ai habang palabas ng venue at bitbit nito ang sapatos. Tapos ay sumakay sa police car.

Tawa nang tawa si Ai-Ai nang malalaman ang kuwento at para matapos ang isyu nagpaliwanag ang actress na tumanggap ng Dekada Award ng PMPC Star Award for Movies.

“Totoo nakayapak ako nang lumabas ako sa Solaire dahil ang sakit-sakit na ng paa ko. Pero hindi totoo na hinuli ako ng pulis dahil ang security personnel ng Solaire ang sumundo sa akin. Ginamit nila ang security car para ihatid ako sa parking lot dahil masyadong malaki ang sasakyan na dala ko.

“Hindi nakita ni Wendell na ang security car din ng Solaire ang naghatid sa venue dahil hindi nga makaakyat sa third floor ang sasakyan ko. Hindi naman yata maganda na best actress awardee ako at naka-gown pero naglalakad sa parking lot na malayo.

“Kinuha ko ang contact number ng security  guard na naghatid sa akin para siya na rin ang sumundo sa akin. Sumakay pa nga ako sa unahan ng security car at ‘yun ang nakita ni Wendell.”

Hindi naman nagalit si Ai-Ai habang nagpapaliwanag ng totoong nangyari. Tawa pa ito nang tawa sa ikinalat na blind item na siya ang tinutukoy.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Ai-Ai delas Alas, hinuli ng mga pulis?

Leave a Reply

Your email address will not be published.