Ai-Ai delas Alas, hinahanap ang love life sa Greece?! – Pilar Mateo

PINA-IRAL MUNA NI Krista Ranillo ang pagiging propesyunal niya. Nang matapos niyang iuwi ang kanyang mga bagahe, eh, agad-agad na itong tumungo sa set ng Wapakman ng Solar Films para tapusin na ang mga nalalabi pa niyang eksena kasama ang boxing champ na si Manny Pacquiao sa festival entry ng nasabing movie outfit.

Sinikap muna ni Krista na itikom ang kanyang bibig mula sa members ng media na sumalubong sa kanya sa airport para sa inaabangang pagsasalita niya sa mga naging isyu niya nitong mga nakaraang linggo, na nagkakabit sa pangalan niya sa kanyang leading man.

Ang Solar Films diumano ang nag-instruct kay Krista na huwag na munang magbigay ng anumang pahayag sa mga makikita o makakasalamuha niyang press. Kaya naman, wala ring media’ng nakita sa set ng kanilang pelikula.

May nakapagsabi lang na casual naman daw ang atmosphere sa pagitan ni Pacman at ni Krista, pati na sa kanilang mga kasama sa eksena.

Hindi nakasama ni Krista ang kanyang mga magulang na sina Mat at Linda na nanatili sa Las Vegas, Nevada, USA para bantayan ang kapatid niyang si Trixie na kasalukuyan pa raw na nasa ospital.

Ang kanyang tiyahin na si Suzette ang nasa tabi ni Krista, pati na ang kanyang lolang si Gloria Sevilla.

Ngayon magsipag-ingay ang maraming sinasabi kay Krista. Ang mga moralista at righteous. Ang mga matatapang na mayayabang. ‘Eto na ang inaabangan n’yo!

BIGLANG NAWALA SA bansa ang Box-Office Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Ano ang dahilan? At kahit ang manager nitong si Kuya Boy (Abunda) eh, walang nalaman sa kanyang pagtalilis.

Saan nagpunta? Sa bansa ng mga Griyego.

Ano’ng meron? Walang show. Walang special appearance o anumang bagay na may kinalaman sa trabaho.

Bakit umalis? Malamang nag-unwind. Malamang nag-relax. Ilang beses na kasing napapansin na mukhang nagiging mainitin ang ulo ng Comedy Queen recently. Na sabi ng mga naka-saksi eh, para bang hindi nawawalan ng regla.

Pero sa kanyang Facebook account, doon makikita na parang naging isang release ang pamamasyal na ginawa ni Ai-Ai sa Greece. Isine-share pa nga nito ang ganda ng kanyang pinuntahan, pati na ang climate na gustung-gusto niya.

Panay lang ang paalala sa kanya ng mga anak, lalo na ang panganay na si Sancho na maging masaya lang siya lagi.

Malamang na personal ang dahilan ni Ai-Ai sa kanyang pagkawala. But just the same, madali naman natin itong malalaman, dahil hindi naman matakaw si Ai-Ai sa pagbabahagi ng mga magagandang nangyayari sa kanyang buhay. Kahit pa tungkol sa love life ‘yan.

Kung tungkol sa love life ito, does it mean na muli na namang isang banyaga ang pumukaw ng puso ni Kagandahan? Aba, kung tungkol sa puso nga ito, eh, malamang na Diyosang-Diyosa ang dating niya sa kung sinuman ang espesyal na taong ito. Dahil imbes na ‘yun ang tumungo rito, si Ai-Ai ang nagbigay ng panahon sa kanya, ha?h! Naku, ha? Kaloka! ‘Yun na!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, hinahanap ang love life sa Greece?! – Pilar Mateo

  1. ano ba naman itong si aiai, dahil lang sa talong, nagpunta pa sa greece! sobrang mahal naman na talong yan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.