Ai-Ai delas Alas, happy sa piling ng mister

Ai-Ai delas Alas

BONGGA si Ai Ai delas Alas. Love na love niya talaga ang mister na si Gerald Sibayan dahil last Friday, April 12 ay limang taon na nila sine-celebrate ang kanilang pagmamahalan.

Mabuti nga raw ay na-survive nila ng mister niya ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga mag-asawa.

“Never pa kami nag-away na super matindi. Mabait si Gerald. Super bait,” pagmamalaki ng komedyante sa kanyang life partner.

Sa unang social media posting ng komedyante tungkol sa kanila ni Gerald, hindi muna niya ipinakilala ang dating boyfriend dahil natatakot siya na ma-bash. “Picture ng flower lang ang nilagay ko sa post ko,” sabi niya.

Nag-aaway sila pero hindi matindi. Hindi daw umaabot sa tangkang hiwalayan, kuwento ni Ai Ai during the media conference ng bago niyang pelikula na Sons of Nanay Sabel (SONS) na dinirek ni Dado Lumibao para sa Viva Films at early Mother’s Day offering niya sa kanyang mga supporters at syempre sa mga fans ng rap group na Ex Battalion na unang sasabak sa acting.

Sing and dance ang movie. Kaiba sa sinasabi ng iba na hawig o ginaya sa super box-office installment na ‘Tanging Ina’ na pinagbidahan noon ni Ai Ai with some bagets stars ng Kapamilya Network na ngayon ay mga binata’t dalaga na.

Si Ai Ai ang manager ng anim na Ex Battalion members na pumirma sa kanya ng talent management contract. “13 sila na members ng group pero silang anim lang ang mina-manage ko. Sila lang kasi ang una ko nakilala nang ma-meet ko ang grupo nila,” kuwento niya.

Ai-Ai delas Alas and Ex Battalion in Sons of Nanay Sabel

Sina Daryl, Archie, King Badger, James, Mark at Rhenn ang mga members ng grupo na nakapirma sa kanya at officially under her at co-managed din ng Viva Artists Agency.

I just don’t know at hindi ko naitanong kay Ai Ai kung kamusta ang paghahanap niya ng mga girls para makabuo siya ng female counterpart ng Ex Battalion kung may progreso na.

Next year 2020 ay nakatakda magbuntis si Ai Ai. May paghahanada na sila ni Gerald sa bagong phase ng buhay nila ay husband and wife.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.