Ai-Ai delas Alas, gagawa ng pelikula kasama sina Melai at Jason ng PBB! – Eddie Littlefield

TO THE HIGHEST level ngayon ang career ni Ms. Ai-Ai delas Alas. Bonggacious ang mga naka-line-up na projects niya sa ABS-CBN. Isa siya sa mga napiling judge sa show na Pilipinas Got Talent. Ang nasabing talent search ay iikot sa buong Pilipinas para mag-discover ng naiibang talento sa kani-kanilang larangan.

Ang tanong, maging mabait kaya si Ai-Ai sa mga contestant? “Depende, siguro kaunting kamalditahan na nararapat lang, witty but funny. January 22, mag-start na kaming mag-ikot sa iba’t ibang probinsiya then February 14 ang airing nito,”  sambit ni Ai Ai.

Bukod dito, nakatakda ring gumawa ng sitcom si Ai-Ai with Aga Muhlach. “Comedy-drama na ididirek ni Jeffrey Jeturian.  Napakaganda ng istorya, sobra! Sa kuwento, ang beauty ko, parang sina Charlene Gonzales at Angel Locsin. Excited na akong makatrabaho si Aga and I’m sure ganu’n din siya sa akin,” say ng actress/comedienne.

Maugong din ang bali-balita na may pelikula raw na gagawin si Ai-Ai sa Star Cinema kasama ang PBB housemates na sina Melai at Jason. “Bale ako ang magla-launch kina Melai at Jason. Si Melai may timing sa comedy, husky ang boses. ‘Yung isa namang kapartner niyang si Jason parang tulala,” sabi niya.

Super happy ngayon si Ai Ai sa pagpasok ng year 2010, sunud-sunod ang projects pero pagdating sa kanyang lovelife tipong tagilid yata. “Oo naman, saka ‘yung pasok niya, na-surprise talaga ako sa mga project na dumating sa akin –nakakaloka! Grabe, ang dami kong trabaho this year and I’m happy talaga! This year may solo concert ako sa Araneta Coliseum, 20th year ko sa showbiz, 20th 2010. Twenty years na ako sa showbiz, dapat lamang magkaroon ako ng lovelife. Ayaw ko munang isipin dahil ang dami kong ginagawa. Mag-aala-Madonna ako kaya ngayon palang mag-uumpisa na akong mag-gym para maganda ang figure ko for the concert,” pahayag ni Ai Ai.

SPEAKING OF MELAI and Jason, nakakaaliw silang panoorin. Click sa publiko ang kanilang love story sa Bahay ni Kuya. Nasaksihan natin kung paano nabuo ang maganda nilang pagtitinginan na nauwi sa pagkakaunawaan. Nagsimula sa kulitan hanggang sa ma-develop ang feeling nila sa isa’t isa. Marami ang naka-relate sa kanilang dalawa. Isang ordinaryong babae (Melai) na nagkagusto sa crush niya (Jason), niligawan at naging sila.

Ang Bahay ni Kuya ang masasabi naming tunay na teleserye ng totoong buhay. Marami tayong nasaksihan na nakatatawa, nakaaaliw,  pero may lungkot ding hatid ang mga housemates. May kanya-kanya rin silang drama sa buhay. Maraming magagandang aral ang hatid ni Kuya sa mga televiewers. Ipinakikita ang character ng bawat housemates, nakikilala natin ang bawat isa sa kanila.

Curious lang kami kung tama ang choice namin para sa PBB Big Winner. Personal naming tinanong kung sino sa mga housemates ang kanilang choice for the Big Winner. Ninety percent na nakausapan namin si Melai ang isinisigaw na PBB Grand Winner!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

19 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, gagawa ng pelikula kasama sina Melai at Jason ng PBB! – Eddie Littlefield

  1. sige lang bashers attack melason attack melason hahahaha.. naaawa nman ako sainyo kasi parang napapagod na kau sa kakasira niyo sa melason pero wala naman nangyayari hahaha.. go lang kau para mas lalo silang mapagusapan okay??? hahaha.. yahoooo meron pelikula ang melason with ai ai .. perfect :)

  2. PBB BIG4 MELAI, JASON, PAUL JAKE @ MARIEL!!!!

    johan hello pikon @ mayabang no!!!! gogo melason
    !!! iloveyou Paul jake !!! hindi ka mayabang totoong tao ka lang!!! you just play the GAME!!! saludo ako sayo!!!

  3. Para sakin mas deserve ni Johan nag manalo. may looks at talents at masipag sa haus gaya ni Paul Jake at Tibo.

    Si Jason, tamad. Sinipag lang sya ng dumating si Kim CHiu para masilayan nya.

    • sorry, pero mayabang si PAUL JAKE. pinipili niya kinakanti niya. si jason binabatok batukan niya pero sina tibo, hermes, at yohan, di niya malapatan ng kamay. kinakaya niya si jason dahil mabait ito. ewan kay toni laging sinasabing best friend ang dalawa. iba ang turing ni paul jake sa mga mahihirap na tulad ni jason. VOTE TO EVICT PAUL JAKE. MAYABANG AT BURGIS. EVICT HIM!

      • ows? kung mayabang man c paul jake.. okay lang un.. may ibubuga nmn… tagapagmana ka ba nmn ng companyang International Pharmaceuticals, Inc… walang problema yun kung magyabang xa… kasi may kaya xa… bout nmn kina Jayson, yes, I see na close talaga sila ni PJ..prang kuya ang tingin ni Jayson kay PJ.. ther’s no harm in it..kasi hindi nmn talaga intention na mamatok para makapanakit.. just like Melay and Jayson.. nagkukuutan sila but they didnt mean to hurt each other… sa sobrang close kasi, may tendency kasi ganyan.. sa totoong buhay po nangyayari na namamatok tayo sa friends natin but wala tayong intentions na manakit..katuwaan lang bah!!!

      • may mayaman pa sa kanya pero di ganoong umasta. sa palagay mo sasali kaya siya sa pbb kung talagang sinasabi mong mayabang e , mayaman pala. tagapagmana pa kamo e bakit nasa pbb. for fun? hanapin mo nga baka nasa forbes ang pamilya niya. vote paul jake to evict.

      • hahah…. di mo ba halata… nung tinanong xa ni Kim Chui “pano na kaya kung ikaw ang maging big winner?” ang sagot ni PJ, “i dont know”…. d mo nmn pala alam background nung tao, hinuhusgahan mo agad… ano ba ang inasta ni PJ? may panindigan at may goal sa buhay!!!!!

      • At least nagpapakatotoo c PaulJAKE, e c johan halatang my strategy db? Eh c PJ natural ang pinapakita kahit sinasabihan syang mayabang or bossy ganun pdin xa,unlike johan na parang my ugaling tinatago.. PJ,melai,jason,___ for d big 4.!

  4. melai, kaya ba nitong magdeliver ng mga linya base sa script? pagnagsasalita kasi ito parang may sariling diktionaryo! ewan sana kumita ang pelikula dahil sisihin si Ai-ai kapag nagflop sa takilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.