Ai-Ai delas Alas, doble-kara?

OLA CHIKA! I’M sure, mawiwindang kayo sa chikang ito. Buhkit? Dahil ang isa sa nag-aaklas noon ay siyang ka-loveteam ngayon. Kalerke nga naman dahil kung matatandaan n’yo, noong pinababa sa puwesto ang dating  pangulong Joseph Estrada, ang isa pala sa nagprotesta na bumaba si Erap sa puwesto ay ang kapareha niya sa pelikulang kasalukuyang ginagawa ngayon. Kaloka, ‘di ba? Plangakngak, mga kafatid.

Ang dating naglaglag ay siyang ka-love team ngayon ni Erap na si Ai-Ai de las Alas. At balak pa pala nitong isa siya sa mag-endorso sa pagbabalik sa pulitika ni Erap. Ano raw? Yes at ‘yan ang nakarating sa akin nang ibulong ito ng aking parazzi girl. Kumpirmado nga raw ito, kaya balik-pelikula si Erap. At dagdag pang chika, isa rin daw si MomPac  o Mommy Dionesia sa mag-eendorso.

Pero ngayon pa lang, may mga negatibo na ring ipinakikita diumano ang MomPac. Kesyo mataas na raw ang talent fee nito at tatalbog pa kay Ai-Ai.

Pero may nagtanong kaya kay Ai Ai tungkol sa pagbaliktad niya at gustung-gusto na niya si Erap? A, aba ang loka raw ay hindi inamin. Kesyo kung anu-ano ang mga dahilan. Kaloka, ha! Naku, ano kaya ang mase-say ni Ai-Ai sa isyung ito? ‘Yun na!

KUNG MARAMI ANG nagulat sa isyung nahihirapan nang mabuntis si Judy Ann Santos dahil sa  ispekulasyon na kesyo maaga itong na-expose sa ilaw ng mga kamera, at bata pa ay puyat na at super-pagod pa, eh, ang tanong, paano ang soon- to-be wife na si Korina Sanchez na malapit nang magpakasal kay Senator Mar Roxas?

Eh, si korina ay maaga ring na-expose sa ilaw ng mga kamera. Hahaha! Eh, kung si Juday na bata pa ay hirap magbuntis, paano na raw si Korina?

Ang alam ng inyong lingkod, mahigit 40 years old na ang news anchor at TV host na si Korina. Kaloka, ha! Kung bibiyayaan sila ng anak, malamang daw ay menopause baby na ito. Kalerke nga naman. Ewan ko lang, ha, kung matutuloy ang kasalang Korina at Sen. Mar dahil malapit na raw itong ikasal ngayon taon na ito. Ito ang aabangan ng lahat. Ano’ng mase-say mo, Koring? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, doble-kara?

Leave a Reply

Your email address will not be published.