Ai-Ai delas Alas, ‘di totoong nakabili na ng property sa US

Ai-Ai-delas-AlasCONTRARY TO a tabloid report (hindi rito sa Pinoy Parazzi), hindi totoong Ai-Ai delas Alas has acquired a property in the US.

A few months ago kasi, seen in photo taken in her US trip was the comedienne on the foreground. Nasa likod niya ang tinatayang bagong bili niyang bahay where her children Nicolo and Sophia (by US-based singer-actor Miguel Vera) are currently staying.

Truth is, Ai-Ai has already disposed of her palatial residence at the Ayala Heights sa Capitol Hills in Quezon City, part of which ay ipinambili niya ng ngayo’y tinitirhan niyang bagong bahay (not necessarily newly constructed) sa Tandang Sora (magkalapit lang sila ni Allan K). Ai-Ai’s 50th birthday celebration ay roon pa idinaos.

Samantala, ang natitirang bahagi ng napagbentahan ng kanyang Ayala Heights property (the lot of which ay nabili ni Ai-Ai noon ng P25-M) ang siyang ipambibili ng bahay sa Amerika.

Nang tanungin ng isang common friend kung magkano nadispatsa ni Ai-Ai ang nasabing propriedad, ang sagot lang nito ay, “Secret…”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKristoffer Martin at Joyce Ching, walang balikang nagaganap
Next articleDeborah Sun, ‘di raw lulong sa droga ang anak kundi may sakit sa pag-iisip

No posts to display