Ai-Ai delas Alas, ‘di na naghahanap ng lalaki

Ai-Ai-delas-AlasNAKA-MOVE-ON NA nga si Ai-Ai Delas Alas sa traumatic experience with her ex-husband. Mabilis niyang naayos ang divorce paper kaya single na uli ang magaling na comedianne. Ayon sa kanya, hindi pa siya ready for another relationship. Sobra raw siyang napagod sa pagmamahal na ibinigay niya sa kanyang ex-husband. Ini-enjoy muna Raw ngayon ni Ai-Ai ang pagiging single.

Hindi pa ready si Ai-Ai for another relationship. Hindi nga naman ganu’n kadali para agad-agad malimutan ang kanyang pinagdaanan sa tawag ng pag-ibig. Sobra kasi kung magmahal ang magaling na komedyana kaya’t masyado itong nasaktan. Ayaw niyang isipin kung may darating pang lalaki na totoong magmamahal sa kanya. “Hindi naman kailangang hanapin siya, kusa na lang ito darating kung talaga kayo ang itinakda ng tadhana,”matalinghagang wika ng box-office queen.

Nang tanungin si Ai-Ai tungkol kay Kris Aquino, biglang nagbago ang mood nito. Umiiwas na mapag-usapan ang Queen of All Media. Paulit-ulit na sinabi nito, “Puwede bang huwag na lang natin pag-usapan si Kris.” Knows naman natin may tampuhan pa hanggang ngayon ang dalawa. Kahit nga nagpakumbaba na si Kristeta sa show nila ni Boy Abunda at pawang papuri ang naging pahayag niya sa dating kaibigan. Tipong deadma lang si Ai-Ai, hindi nito naramdaman ang sincerity ni Kris. Ang pagkakaalam namin, nagsimulang mag-emote ang TV host nang maging malapit si Ai-Ai sa ex-husband niyang si James Yap nu’ng hindi pa magkasundo ang dating magasawa.

Kung gaano sinira-sirain ni Kris si James noon, super puri to the max kung ilitanya niya ngayon ang dating asawa. Kinain lahat ng TV host ang kanyang sinabi laban sa PBA player. Tuloy, nakuha ni James ang simpatya ng publiko.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, ‘di na naghahanap ng lalaki

  1. Korek na korek ang headline. Hindi na siya naghahanap ng lalaki kaya beki na ang nilalandi. Check nyo instagram ni aiai kaloka si baklang jay gonzaga na ang nilalandi. Haller sa dami ng nakakasama niyang baklang friendships wala bang nagsabi jan na baklita ang kanyang kalandian?

  2. Mabuti naman at hindi na naghanap ng lalaki itong si Ai Ai, sino ba naman ang maging totoo sa kanya, let’s face it, all she has is wealth pero hindi siya maganda at laylay na ang breast, matrona na ang katawan . Sikat nga sya pero mahirap talagang makahanap na naging in love sa kanya knowing she is rich and famous, it’s hard to tell kung ano talaga ang gusto ng lalaki sa kanya. And besides, she has the history of being abused by her previous lovers. Yan kasi ang trade off sa rich and famous

Leave a Reply

Your email address will not be published.