Ai-Ai delas Alas, desididong tikman si Dennis Trillo?

Ai-Ai-delas-AlasMAGMULA NANG makatabi ni Ai-Ai delas Alas si Dennis Trillo, nagbago bigla ang gusto ni Ai-Ai na maka-bed scene. Hindi na raw si Cesar Montano, mas gusto na raw niya si Dennis.

Nagkatabi kasi sina Ai-Ai at Dennis sa Star Awards kamakailan na ginanap sa Solaire Hotel para tanggapin ang kanilang trophy bilang Dekada awardees.

May indie film kasing gagawin si Ai-Ai na kailangan niyang makipag-love scene sa kaparehang actor. Una ay very vocal ang sikat na comedienne na si Cesar Montano ang gusto niyang maka-bed scene, pero ngayon ay si Dennis na raw ang gusto niyang makasiping sa kama sa naturang indie film.

May power si Ai-Ai na mag-suggest kung sino ang gusto niyang maka-bed scene sa indie film, dahil co-producer siya ng Ronda, istorya ng isang policewoman.

Ang tanong, kung seryoso ba talaga si Ai-Ai na “matikman” si Dennis at hindi na si Cesar?

Sa indie film nga pala, handang magpakita ng kanyang puwet si Ai-Ai for the sake of art daw.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.