Ai-Ai delas Alas, business tycoon ang bagong idine-date?!

MARAMI ANG nantriga nang ibuking ni Marian Rivera na may bagong idine-date daw ngayon ang ate-atehan niya at kapwa bida niya sa pelikulang Kung Fu Divas (na showing na today in cinemas nationwide) na si Ai-Ai delas Alas nitong linggo lang sa guesting nila sa The Buzz.

Maging ang mga hosts na sina Charlene Gonzalez at Tito Boy Abunda, na business manager at matalik na kaibigan ng comedy queen, ay nagulat sa ibinalita ni Marian sa kanila.

Nakasama raw nilang mag-dinner ni Ai-ai ang tinutukoy na misteryosong lalaki ng aktres at nag-text pa raw nu’ng Linggo habang ini-interview sila nina Charlene at Tito Boy, kaya natawa lang si Ai-Ai at walang nagawa kundi batiin ito ng “hi.”

Maaari kaya na ang mahiwagang lalaki na sinasabi ni Marian ay ang guwapo at mukhang Fil-Indian na negosyante na si Joseph Calata na ang balita namin ay nag-sponsor ng block screening ng Kung Fu Divas tonight sa Trinoma cinema?

Nakaagaw-pansin sa amin ang kagwapuhan ng business tycoon na ito na parang kadating ni Richard Gutierrez nang magpa-misa at i-celebrate ni Ai-Ai ang birthday ni Mama Mary last September 8 sa clubhouse ng subdivision kung saan nakatira ang phenomenal box-office star.

Hindi lang namin sigurado kung binata pa ito o may asawa na, o kung siya talaga ang naka-date recently umano ni Ai-Ai.

Malaman namin ‘pag na-corner namin ang reyna ng komedya one of these days.

In the mean time, bago tumungong Amerika mula para sa series of show in November, napag-alaman namin na si Ai-Ai pala ang kapalit ni Kim Chiu sa Wansapanataym tuwing Linggo ng gabi.

Isang buwang mapapanood ang aktres sa nabanggit na palabas na pambata na magsisimula on October 12, with child star Izzy Canillo ng My Little Juan and Cherry Pie Picache.

 

NAKAKATUWA NA bukod sa mga kaibigan niyang artista na nakasama ni Anne Curtis sa nakaraang Rihanna concert dito sa Manila almost three weeks ago, nalaman namin na maging ang dalawang personal assistants (PA) ng TV host at aktress ay ipinapanood nito ng bonggang show!

Talagang marunong mag-share ng blessings si Anne at magpasaya ng mga tao, lalo na ng kanyang staff.

Sana tularan si Anne ng ibang mga artista sa pagiging mabuti at mabait sa kanilang mga loyal at trusted PA/s o s iba pang nagta-trabaho para sa kanila.

Hindi sumamang manood ng nasabing concert ang boyfriend ni Anne na si Erwann Heussaff, dahil ayon sa dalaga, “Hindi niya type si Rihanna, pero nu’ng The Killers concert, nanood kami, kasi ‘yun ang gusto n’ya.”

 

HINDI MAGKAMAYAW ang mga taong nanood sa gig ni Vice Ganda sa Laffline comedy bar sa Timog Avenue sa QC last Friday night.

Marami pa nga ang hindi nakapasok na mga tagahanga ng Unkabogable Star nu’ng gabing ‘yon, kung saan pinakyaw ang kanyang record album na malapit nang mag-platinum, dahil sa lakas ng benta.

Dumating ang kaibigan at co-host ni Vice sa It’s Showtime na si Vhong Navarro that night upang manood at magbigay suporta sa kanya.

The last time daw ay si Billy Crawford daw ang nanood ng kanyang show.

Nais ni Vice na magpabalik-balik sa pinagmulan niyang comedy bar  ‘pag kinakaya ng kanyang hectic schedule, dahil nami-miss niya raw mag-perform doon at makasama ang kanyang mga tunay na kaibigan sa mundong ‘yon.

 

PUMANAW NA raw ang dakilamg ama ni Angeline Quinto na si Mr. Potenciano “Pop” Quiroz kahapon ng umaga.

Hindi pa po namin nakakausap ang singer hinggil sa dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama.

Nakaburol daw ang ang mga labi ng tatay ni Angeline simula ngayong araw na ito sa chapels 7 and 8 at the second floor of Loyola Memorial Chapels sa Sucat, Parañaque.

 

Personal: Thank you so much and belated happy birthday to Ms. Pinky Fernando of Fernando’s Bakeshop in Baliuag, Bulacan!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

13 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, business tycoon ang bagong idine-date?!

  1. Tanders na. Nakakadiri ang babaeng ito. Pati movie niya, parang nakakawalang ganang panoorin lalu na kung si half moon ang bida. Alembong, karengkeng, uhaw sa lalake.

  2. e galing sa baba yong pagka-kiri niya…e negosyante na naman parang si jed ha!
    business na kailangan ng crutches or capital kaya? bumili na lang ka cya talaga ng
    ???????para walang away! go ahead maraming namang pera siya galinbg sa maga fans! titan mo yong mga anak mo hindi puro kereng-keng lang…be embarrassed naman!

  3. kati-katihan na naman si half moon, o hahahaha! dyusko teh, maawa ka naman, naghihingalo na ang matres mo noh haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.