Ai-Ai delas Alas, bibigyan ng expensive car si Dennis Trillo?

Dennis-Trillo-Ai-Ai-delas-AlasHINDI NA talaga maitago pa ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai de las Alas ang sobra-sobrang pagkakilig kay Dennis Trillo na halatang halata ng mga kapatid sa panulat na dumalo sa presscon announcement ng mga nanalo sa PEP List 2013 kamakailan.
Nagsilbing host si Ai-Ai, habang awardee naman si Dennis kasama si Tom Rodriguez para sa kategoryang Celebrity Pair of the Year. Tsika nga ni Ai-Ai na nagsimula sa tuksuhan nang magkatabi sila sa Star Awards for Movies, kung saan ginawaran sila pareho ng Dekada Award.
Tinukso-tukso raw sila ni Aga Muhlach na pareho nilang awardee na may katabi na naman siyang guwapo at malamang bibigyan niya ng kotse si Dennis. Dagdag pa ni Ai-Ai, na biniro niya si Dennis ng, “Do you have cars?” Pero sinakyan niya lang daw ang mga panunukso para huwag silang ma-bore doon sa awards night.

Hanggang sa tumuntong na raw sila ng stage, super tukso pa rin sa kanila si Aga na sinabihan siya na kung nakuha na niya ang cellphone number ni Dennis na sinagot nito ng, “Oo naman!” sabay tawa ng komedyana.
Bira pa nito na hindi raw niya muna inalok ng sasakyan (Camaro) si Dennis. Next time na lang, magre-recover muna siya from the pain, sabay bawi na hindi pala from the pain, but from financial problems, sabay malakas na tawa ni Ai-Ai.

Si Dennis nga raw ang gusto sana niyang makasama sa kanyang indie film na Ronda, kaya lang ay may indie film na rin itong gagawin, kaya naman daw malabo na niyang makasama ang crush na aktor.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Ai-Ai delas Alas, bibigyan ng expensive car si Dennis Trillo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.