Ai-Ai delas Alas, ayaw nang mag-Twitter dahil sa bashers

Ai-Ai-delas-AlasAND SPEAKING of bashers, kaya nag-decide na rin si Ai-Ai delas Alas na ‘wag nang ituloy ang kanyang pagtu-Twitter, dahil parang kung makahusga raw ang mga basher, akala mo sila ang nagpapalamon sa kanya at sa mga ito niya kinukuha ang ikinabubuhay niya sa kanyang pamilya.

“Nakakabuwisit ‘yung iba. Lalo na nu’ng naging judge kami ni Kris Aquino ng ‘Pilipinas Got Talent’,  juice ko, mare, porke hindi lang nila gusto ang judgment namin sa contestant, kung ano-ano ba naman ang mga pinagsasasabi sa amin?

“Hahahaha! Ewan ko sa kanila. Para silang mga tanga!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.