Ai-Ai delas Alas, ayaw magpaagaw ng trono!

SINIPA NG PETRANG Kabayo ang bagyong Juan. Akala talaga ni Boss Vic del Rosario, mauudlot ang araw-araw na magandang box-office result ng launching movie ni Vice Ganda.

As of this writing, ‘yung 5-day gross ng “Petra…” ay umabot na sa P85M, according to Boss Vic. “Kaya pati bagyo, tinalo ng alaga mo!”

Marami pa rin ang hindi naniniwalang kumita ang movie ni Vice. Hayaan natin sila, paniniwala nila ‘yon. Ang importante, ang mga taong nakapanood ang magpapatunay.

Salamat sa lahat ng mga nanood at sumuporta para maging isang blockbuster hit ang Petrang Kabayo.

NAWAWALA PALA KAHAPON itong si Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar. Hinahanap siya sa tulong ng Twitter. Nag-alala sina Kaye Abad at Angel Locsin.

“Pa’no kasi, 20 hours nang nawawala at hindi nagri-ring ang kanyang phone. Salamat naman at okay naman pala siya!”

O, at least, kahit split na sila ni Chito, friends pa rin sila, ‘di ba?

“Hahahaha!”

Natawa na lang daw si Kaye Abad.

INILATAG LAHAT NI Ai-Ai delas Alas ang lahat ng librong kanyang binabasa sa presscon ng kanyang 20th anniversary concert na ang pamagat ay “Akin Ang Tronong ‘To!” na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Pareho pala kami ng favorite ng aming kumare, si Bo Sanchez na napakahusay sumulat ng kuwento at pawang mga facts of life ang isini-share nito sa readers.

“Very inspiring at alam mong tama lahat ang kanyang sinasabi, kaya sobrang fan niya ‘ko!” sabay pakita ng mga librong may sign pa ni Bo Sanchez.

“Ang bilis-bilis lang namang basahin ng mga ‘to, eh. ‘Pag wala akong magawa or may break ako, basa lang ako nang basa, at in fairness, ginagawa ko sa buhay ko!”

Ang laki na nga ng iminatyur ni Ai-Ai sa buhay, sa totoo lang. ‘Yung mga natututunan niya sa libro, ibinabahagi rin niya sa ibang tao.

“Pero wala akong lovelife ngayon, mare. Ang lovelife ko ngayon, ang career ko, ang pag-aaral ko, itong concert ko, at ang mga anak ko. Masikip ngayon ang kumare mo, hahahaha!”

Kung hindi mo titingnan ang buong poster ng concert, sasabihin mo, ang yabang ng dating. Parang, “Sino ang pinatatamaan?”

Pero ‘yung nakalarawan doon, ang pose ni Ai-Ai, nakasawsaw ang isang paa niya sa trono.

‘Yun ‘yon.

Catchy ang title, in fairness.

Kaya kami na ang nagsabi kay Ai-Ai sa presscon, “Ikaw lang ang nag-iisa sa tronong ‘yan, mare!”

Bilang “Ang Tanging Ina” at “Comedy Concert Queen.”

“Hoy, mga Hari at Reyna ang mga guests ko, ‘no!” sabi pa ng subtitle sa poster. Sa Nov. 19 na ito at sina Sharon Cuneta, Ms. Regine Velasquez at Ms. Lea Salonga lang naman ang kanyang mga guests.

Sa mga hari, “Abangan mo na lang kung sino ang hihipuan ko! Dapat, manood ka, mare, dahil ang dami kong hihipuan dito! Nakakatawa ‘tong concert na ‘to!”

Hindi na namin naitanong kay Ai-Ai kung ipapakita ba niya ang kanyang sanitary napkin sa concert bilang Sisters Sanitary Napkin ang kanyang major sponsor.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

15 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, ayaw magpaagaw ng trono!

  1. Sorry, pakisingit ho ng off topic, i cooked crispy pata for the first time yesterday, i followed the direction, i boiled the pork for 20 minutes and then I drained the water, then sinabi na e dry daw ang pork with paper towel, and then e deep fry until golden brown. I did exactly what the direction said pero yong skin ng pata is only a little bit crispy but not totally crispy. Kasi ng nagpunta ako sa Cebu one time, yong crispy pata nila talagang crispy, paano gagawin yon. What did I do wrong? Anybody knows? please help. Salamat.

      • tama k jan..my tita before after nya ipakulo pinapa dry nya..minsan binibilad p s araw.then overnight nya nilalagay s freezer.after it deep fry n.super crispy..ang sarap ng pagkakaluto..

      • Salamat Mario, e try ko yon, kasi i deep fried it kaagad right after i boiled the pork, so yon ang problema. Salamat again Mario.

  2. I saw Ai Ai in ASAP XV last Sunday. Ang suot niya, BORDERLINE GROSS. PARANG THONGS. HINDI BAGAY SA MATATABA NIYANG HITA AT MATRONANG KATAWAN. She needs to join a SPA or go to the gym. Yoga is great to loose weight. Bata pa naman si Ai Ai. Kaya pa niyang mag-Yoga.

  3. Kaya pala nagiingay si Ai Ai ngayon kasi may concert. Pero ang lame ng attempt niya na mag-ingay ha. Soulmate daw ni Noynoy? Bleh

  4. Wow, pareho na ng strategy ang Viva at Star Cinema huh, nagpe-praise release na box-office hit ang pelikula nila, kahit hindi naman totoo…..

  5. LAOS NA SI AI AI. HINDI NA BAGAY YANG NAKA BATHING SUIT KA AT PASEXY NA PARANG HALIPAROT NA MATANDA.

    SEE THE PIC, NAKAKASUKANG TINGNAN. KUNG MAY MANONOOD MAN SA ARANETA, YONG MGA GUEST NIYA ANG HINAHABOL AT HINDI SIYA.

    DAPAT MAGTALK SHOW NA LANG SIYA. YONG TAGALOG LANG DAHIL HINDI SIYA KNOW HOW TO SPEAK ENGLISH.

  6. Bakit ba ang gaganda ng mga na link kay Chito Miranda? Ano kaya ang quality nya ba’t nagustuhan sya ni Kaye Abad. Maganda si Kaye. At parang si Angel Locsin rin na link kay Chito, baka sweet sya at mapagmahal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.