Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda, nagkapatawaran na!

ALL IS well that ends well. This is how you can describe the recent reconciliation of Ai-Ai delas Alas and Vice Ganda which happened during the birthday celebration of ABS-CBN Channel Head Ms. Cory Vidanes at a bar in Makati City. Muling nagkaharap at nagkaayos sina Aileen at Vice matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan ilang buwan na ang nakakaraan.

Kuwento ni Vice, “Pinatawag ako ni Tita Cory. Siguro isa rin iyon sa mga gustong mangyari ni Tita Cory sa birthday niya. Pagtawag niya sa akin, hawak-hawak na niya iyong kamay ko, nandoon na pala si Ms. Ai-Ai sa tabi niya. Tapos sabi, ‘si Ai-Ai nandidito’. Noong nagkita kami ni Ms. Ai-Ai nagyakapan na kami. Tapos noong nagyakapan na kami sabi niya sa akin, ‘I love you’. Noong nag-I love you siya sa akin, sabi ko ‘sorry po kung anuman po iyon. Sorry po at I love you rin po. Not only because it was Tita Cory’s birthday pero sincerely gusto ko po talagang humingi ng paumanhin sa inyo’.”

Vice Ganda knew that at the right time, everything will be okay between him and Aileen, lalo pa’t wala naman daw silang seryosong pinag-awayan.

Ganito rin ang saloobin ni Aileen nang siya ay makausap ng The Buzz. “Iyon ang isa sa gift ko kay Tita Cory kasi iyon ang hiniling niya sa akin. Actually, wala naman talaga kaming hidwaan na talagang malaki. Siguro nagkataon lang na alam mo na ‘di ba sa showbizness, ‘di mo alam minsan may mga nasasabi na hindi mo gusto? May mga nasasabi rin ako na baka nakarating sa kanya na hindi niya nagugustuhan. So, nag-sorry siya at nag-sorry rin ako kung anuman iyon.”

Dahil sa kanilang pagbabati ay parehong gumaan ang kanilang kalooban. I agree with Vice when he said na mas masarap ang maraming kaibigan kaysa mga kagalit. Maliit lang ang mundo ng showbiz na kanilang ginagalawan at imposibleng hindi sila magkita o magkatrabaho sa isang proyekto. Sabi nga ni Vice, kung magkasalubong man sila ngayon sa ABS-CBN ni Aileen ay puwede na siyang sumigaw para batiin ito gaya ng dati.

Masaya ako para sa kanilang dalawa. Hindi ba’t mas masarap magpatawad at makipagbati sa mga taong nakasamaan mo ng loob? At mas masarap ngumiti kesa sumimangot. Subukan mo, kaibigan.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.