Ai-Ai delas Alas, apektado rin sa pagkamatay ng ama ng panganay na si Sancho Vito

Ai-Ai-delas-Alas-Sancho-VitoNALUNGKOT DIN si Ai-Ai delas Alas sa pagpanaw ng unang lalaking nakabuntis sa kanya.

Ngayon lang na-reveal ang tunay na pangalan ng unang nakabuntis kay Ai-Ai na si Rey Malte-Cruz. Siya ‘yung ama ni Sancho Vito.

Sumakabilang-buhay na si Rey nu’ng nakaraang Linggo ng hapon at ‘yun ang balitang bumulaga kay A-Ai pag-uwi niya.

Siyempre, nalungkot naman si Ai-Ai para sa kanyang anak na si Sancho.

Nag-post nga ito sa Instagram account niya na gusto lang niyang iparating sa anak niya, nandiyan lang siya para sa kanyang anak na nawalan na nga ng ama.

Huli na lang nakilala ni Sancho ang tunay niyang ama at nagkaroon naman daw sila ng bonding.

Hindi naman daw pinapakialaman ni Ai-Ai kung ano ang bonding ng mag-ama, pero nalaman nga niya sa kanyang anak na may sakit daw ito. Kaya ‘yun na nga siguro ang dahilan ng pagkamatay nito.

Baka sa Huwebes ay sasamahan daw ni Ai-Ai si Sancho na pumunta sa burol sa Pasay. Sa Sabado na raw ito ililibing.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.