Ai-Ai delas Alas, ‘di isinama si Pokwang sa major concert

PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA ni Ai Ai Delas Alas sa nalalapit niyang major concert na I am 20 sa Araneta Coliseum. Sa 20th years niya sa showbiz, ipagdiriwang ng Comedy Concert Queen ang naiibang production number para sa kanyang mga fans this coming November.

“Handog ko ito sa sarili ko, family and friends at saka sa mga fans na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring sumusuporta sa akin. Kasi, this is my 20th anniversary sa showbusiness. Ito’y magha-highlight ng mga royalty ng showbusiness ng Reyna at lahat ng concert. Pati mga icon na performers sa Hollywood like my idol Madonna ‘yun din ang ipi-perform ko. Si Megastar Sharon Cuneta kasali, nag-yes na siya sa akin.”

Hanggang ngayon, pinapangarap pa rin ni Ai Ai na makatrabaho sina Tito Dolphy, Governor Vilma Santos at Piolo Pascual. Bukod sa kanila, marami pa ring celebrities ang gusto niyang makasama sa pelikula at telebisyon. Oo nga’t nagkasama nang mag-perform on-stage sina Ai Ai at Pokwang, marami pa ang nagtatanong kung mag-guest ito sa darating niyang concert this November. “Hindi siya kasali for now, kasi may concert din naman siya kasama si Chokoleit,” mabilis na sagot ng Comedy Queen.

Hindi kaila sa atin ang mga negative issue na naglalabasan tungkol kay Pokie. Ano ang reaction ni Ai Ai sa mga intrigang ipinupukol ngayon sa Comedy Princess? “Sabi nga nila, kapag hitik ang bunga, binabato. Sabi ko nga sa kanya, palagi siyang magdarasal, always stay humble, ‘yun lang naman. Hindi mo naman mapi-please ang lahat ng tao.”

In twenty years ni Ai Ai sa showbiz, isang bagay ang labis na ikinatutuwa ng Comedy Concert Queen. “Sabi nga nila, madali namang makaangat ka sa showbusiness. Ang mahirap kasi ‘yung ma-sustain at ma-maintain mo ‘yung kung anuman ‘yung mayroon ka ngayon, ‘yung title mo, ‘yung pangalan mo. Kaya masaya ako, kasi hanggang ngayon, ang mga tao sinusuportahan pa rin ako,” sey ni Ms. Ai Ai Delas Alas.

MATAGAL NA PALANG pangarap ni Sam Milby na makatambal si Sarah Geronimo. Ngayon, sa musical teleseryeng Idol magkapareha ang dalawa, ganu’n na lang ka-excited ang binatang actor. Tuloy, naging sentro sila ng tuksuhan ng kapwa nila artista habang nagte-taping. Minsan nang sinabi ng aktor na crush niya ang Pop Princess na hindi nito itinanggi.

Ayon pa kay Sam, huwag raw isipin na gumigimik lang sila ni Sarah dahil may bago silang show sa Kapamilya network. Walang masama raw kung sakaling magka-debelopan sila ni Sarah. Super sweet kasi ang Pop Princess at masayang kasama kaya enjoy sila sa isa’t isa habang nagtatrabaho. Ngayon pa lang nagpapalipad-hangin na ang guwapong aktor. Alam kaya ng singer-actress na may girlfriend diumano ang hunk actor?

Hindi natin alam kung totoo nga ang tsismis. Kailangang bigyang-linaw ito ni Sam. Tanging siya lamang ang puwedeng sumagot tungkol sa issue. Kung talagang malinis ang hangarin niya sa dalaga, dapat siguro sa kanya mismo manggaling ang katotohanan na certified single siya, walang sabit, para hindi akusahan na nanggagamit lamang ang hunk actor.
NAGING USAP-USAPAN ANG maiinit na love-making nina Shaina Magdayao at Coco Martin sa pelikulang Sa ‘Yo Lamang ni Direk Laurice Guillen sa Star Cinema. Walang raw kamalay-malay ang dalawa na kukunan na ni Direk ang passionate love scene nila. “At first, awkward. Kasi wala kaming workshop, diretsong shooting na. Nang in-explain sa akin ni Direk Laurice ang gagawin namin, nanginginig ang kamay ko. I’m really very lucky dahil ‘yung leading man ko, si Coco. Sabi ko nga, kung may love scene instructor, si Coco Martin ‘yun, vey gentleman. Walang naging problema, then after the scene nagtatawanan na lang kami,” banggit ni Shaina.

Bago kinunan ang maselang eksena nina Shaina at Coco, ipinagpaalam muna niya ito kay John Lloyd Cruz. “Walang problema sa amin ‘yun, dahil artista rin siya, naiintindihan niya ‘yun,” sey ng actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Ai-Ai delas Alas, ‘di isinama si Pokwang sa major concert

  1. Nakunan ng Tweetbiz na magkasama sa isang mall sa Makati City sina Kris Aquino at Mayor Junjun Binay.

    Kasama ni Kris ang kanyang anak na si Baby James.

    Narinig daw na nagtanong ang bagets sa kanyang madir kung mag-boyfriend na sila ni Mayor Binay at natawa raw si Kris.

    Nakunan ng mga tao ang eksena dahil hindi naman daw sinasaway ni Kris ang mga cellphone camera na nakatutok sa kanila.

    At dahil may mga ebidensiya na magkasama sila ni Mayor Binay, i-expect natin na lalong iingay ang mga tsismis tungkol kay Kris at sa biyudong alkalde.

  2. INSECURED NA KASI SI AI AI KAY POKWANG.
    LAOS NA SI AI AI AT MATANDA NA. MAG DADANCE NANAMAN SIYA NG NAKABATHING SUIT, SAGWA TINGNAN SA EDAD NIYA.
    SEE, BABA NG RATINGS NG MP3 DAHIL KAYU AI AI.

  3. mayabang na tlga c pokwang!!!sa pag sagot lang nya sa mga interview halata na sa kanya E!!!pokwang, db pinagtatanggol ka ni willie R. Kay Joey de leon pag nilalait ka nun? tpos teling u na sinaktan ka din ni willie…ganun kaba tlga gumaganti ka sa nagpala sayo!!!!!WALANG UTANG NA LOOB!!!!!!!!!!!!!!!

    • KALA MO LANG YON.
      SI POKWANG ANG PUMALIT NG TRONO NI AI AI.
      BASTOS, MAYABANG AT MAIITIM KASI BUDHI NI WILLIE HAMBOG, KAYA TAMA DESISYON NI POKY. WISE DECESION INDEED.

Leave a Reply

Your email address will not be published.