Ai-Ai de las Alas, sabik makahalikan si Erap

OLA CHIKKA. PINAG-UUSAPAN talaga ngayon ang bagong pelikulang gagawin ng Comedy Queen na si Ai Ai de Las Alas at ng dating Presidente na si Erap Estrada. Magsasama ang dalawa sa isang malaking pelikula na tinitiyak ng marami na tatakbo sa takilya. Kalerke, ha!

Sa kabila ng pelikulang gagawin nila ay hindi mawala ang mga kuro-kuro at mga tsika na ini-uugnay sa dalawa. Idinidikit sa kanila ang gamitan issue.Ano raw?  May gamitan?

Yes mga kafatid,trulili na ginagamit daw ngayon ng dating pangulo ng Pilipinas ang Comedy Queen dahil tatakbo si Erap sa susunod na eleksyon kaya ganu’n na lang kabilis at bago raw matapos ang taon ay maipalalabas na ang pelikula.Hmmmm….

Ang nakakalerke pa ay hindi papayag si Ai Ai na wala silang torrid kissing scene ni Erap. Nakarating sa akin na lahat ng naging leading man ni Ai Ai sa pelikula ay natitikman niya. Ang nakakalerke, ‘yung  kissing scene nila na gagawin ay ‘yun  daw ang tiyak na dahilan para dumugin ng tao ang movie. Ha! Ha! Ha! Kaloka, ha! Pero game naman ang dating pangulo na makipaghalikan ng gums-to-gums sa Comedy Queen. Ha! Ha!Ha!  Kalerke nga naman. ‘Yun na!

HINDI LANG PALA si Sarah Geronimo ang inili-link ngayon kay John Lloyd Cruz upang mapatay lang ang isyung may namagitan kina Ruffa Gutierrez at Lloydie. Pati na rin si Cristine Reyes ay nakikisawsaw na rin sa isyu upang tuldukan na nang tuluyan ang Ruffa-John Lloyd affairs. Hmmmm….

Kaya ganu’n na lang pumutok ang isyung nakikisawsaw si Sarah kay Lloydie ay upang maprotektahan daw ang bawat career nila at mapatay na ang  Ruffa-John Lloyd issue. Sa naisulat ko nga dito sa Pinoy Parazzi tungkol kay Sarah na nakikisawsaw sa isyu ay dinagsa ako ng sangkaterbang mensahe.

Ang nakakalerke ay pati ang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes ay join na rin sa isyu. Kesyo nagkita sina Lloydie at Cristine sa isang bar.  Sa kabila ng lahat ay marami ang nagsasabing scripted ang drama na ito upang maibalik ang name ni Cristine  dahil medyo lumubog ito nang mapabalita noon na lilipat na ulit  ito sa Kapuso network at  iringan isyu rin ito noon kina Pokwang,RR Enriquez at Angelica Panganiban.

Ngunit ngayon na dineklarang Kapamilya pa rin si Cristine ay ganu’n na lang kung ikabit ang pangalan niya kay John Lloyd. Bukod sa nakatulong na mapatay ang isyu sa kanila ni Ruffa ay may project din pala na nakalaan para kina Cristine at Lloydie. May balitang pinapa-news blackout ng network ang isyung Ruffa at Lloydie para matigil na ‘yun. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Ai-Ai de las Alas, sabik makahalikan si Erap

Leave a Reply

Your email address will not be published.