Ai ai calls Kris Aquino ‘impaktita’

FINALLY, NAGKAHARAP NA ang nagkatampuhang mag-friendship na sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas sa The Buzz. Hindi naging madrama ang pag-uusap ng tinagurian ngayong Queen of All Media na si Kris at ng Comedy Queen na si Ai Ai. Although, nangingilid ang luha sa mata ni Kris habang nagbibigay ng mensahe kay AiAi.

Hindi nakataiis si Kris na tanungin si Ai Ai kung totoo bang sinabi niya na ‘impaktita’ ang host ng The Buzz. Nalaman daw ni Kris na sinabi ‘yun ni Ai Ai through her friend. Natawa na lang si AiAi sa sinabi ni Kris.

Pero na-touch din si Kris kay AiAi sa dala-dalang regalo nito – isang pair of earrings na may dangling stone na blue color tear-shaped. At bago matapos ang interbyu, may promise sa isa’t isa ang mag-friendship.

Sabi ni Ai Ai, hindi na siya makikialam sa buhay-may-asawa ni Kris, lalo na’t tungkol sa kanyang mister na si James Yap. Pagkatapos, si Kris naman ang nagsalita na this time she’ll make an effort to reach out.

Nakausap naman namin si Ai Ai sa dressing room after ng pagbabati nila ni Kris. Talaga raw noon pa, nagreragaluhan sila ni Kris. Binibigyan daw siya ni Kris ng Gucci shoes. Pero ayaw namang sabihin ni Ai Ai kung magkano ang halaga ng binigay niyang hikaw kay Kris. Duda namin may six-figures ang halaga nu’ng hikaw.

Inulit muli sa amin ni Ai Ai na ayaw na niya talagang makialam sa buhay-may-asawa ni Kris. Kinuha naman namin ang reaksyon ni Ai Ai sa sinabi ni Kris na this time, magri-reach out na siya.

“Oo, nag-mature na kasi si Kris.‘Yun ang maganda sa aming dalawa. Pareho na kaming nag-mature. So, hindi na kami ‘yung parang mga bata.”

Natawa naman si AiAi sa sinabi ni Kris na sinabihan siya ng komedyana ng ‘impaktita.’

“Hahaha! Launching film! Hindi kasi may nagbanggit noon, Jean Garcia. Tapos sabi ko, ‘Tama. Launching film niya ‘yun.’ Pero mga kabaklaan lang naman ‘yon,” diin ni Ai Ai.

NAPANOOD NAMIN ANG unang episode ng bagong reformat na game show ni Edu Manzano na Pilipinas, Game Ka Na Ba? na mapapanood na ngayon. Mas maraming contestants at grupo-grupo na. Bawat group may tatlong members.

Kabilang sa mga contestants ang grupo ng sing-along masters/gay comedians na sina Chokoleit, Ate Glow at Vice Ganda. Ang saya-saya pa ni Chokoleit during the taping, bagaman nagkaroon ng tension between him at ang grupo ng Gigger boys na nakaharap nila sa second round.

Nag-apela si Chokoleit na nagturo ng sagot si Enchong Dee sa ka-grupo niyang si AJ Perez na ipinagbabawal sa game. Sagot naman ni AJ, hindi niya narinig ang sinabi ni Enchong na sagot.

Anyway, after two days habang nagbabakasyon kami sa Baguio, through a text message galing sa kaibigan namin si Eric John Salut, nabalitaan naming namatay na ang ina ni Chokoleit.

Namatay rin that day sa isa ring tragic accident ang ina ng taga-Star Cinema na si GG Lualhati. Nasagasaan naman ang ina ni GG ng tricycle habang nag-aabang ng masasakyan sa Antipolo.

Bukod sa grupo ni Chokoleit at Gigger Boys, kasali rin at pumasok sa second round ang Pinoy Dream Academy scholars na sina Laarni Lozada, Ronnie Liang at Bugoy. Thanks to Ronnie dahil nai-promote niya ang show nilang tatlo sa Klownz Quezon Ave. on April 30, Thursday, entitled PDA Scholars Meet Sex Bomb Dancers (with Jopay Paguia).

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

One thought on “Ai ai calls Kris Aquino ‘impaktita’

  1. Ai Ai hit the spot. Impaktita best describes Kris Aquino. Forget running for the presidency in 2016. Lord help us.

Leave a Reply

Your email address will not be published.