Ahron Villena, binuweltahan ng suspek sa pagkawala ng kotse

NAAAWA AKO SA young actor na si Ahron Villena dahil nawalan siya ng isang bagong sasakyan. According to reports, Ahron’s white Avanza was carnapped. He bought his Avanza para gamitin sa negosyo pero hindi pa man niya nababawi ang mga nagastos dito ay nawala na ito na parang bula.

Ahron’s aunt urged him to put the van in a rent-a-car company which is owned by Matthew Abella na kakilala ng tita ni Ahron. Noong una raw ay wala namang naging problema sa transaksiyon sa pagitan nina Ahron at Matthew. But last April 26, Ahron’s aunt called and asked him kung may kopya ba siya ng mga importanteng dokumento ng sasakyan. Sinabi raw ni Matthew sa kanyang tita na may nag-rent ng Avanza at hindi ito isinoli.

Kinuha diumano ni Matthew ang mga papeles ng sasakyan para ipa-blotter ang isang taong nagrenta at hindi nagbalik nito. Matthew even showed Ahron’s aunt the documents to prove na naipa-blotter niya noong April 26 ang nawalang sasakyan.

Ahron personally went to the Caloocan Police Station where the car incident was blottered. Pero laking gulat ni Ahron dahil wala diumanong report na naitala dito tungkol sa kaso. Dahil sa pangyayaring ito ay hindi tuloy naiwasan ni Ahron na paghinalaan si Matthew. “Hindi ko sinasabing sangkot siya pero according sa story at sa pagkuwento ng tita ko ay parang may kinalaman siya.”

Para maging patas ang istorya ay hiningi ng The Buzz ang panig ni Matthew tungkol sa isyu. Nagpaunlak siya sa kundisyong huwag siyang ipakikita sa kamera.

And this is where the conflict begins dahil salungat ang bersyon ni Matthew sa sinasabi ni Ahron. According to Matthew, “Hindi totoo lahat ng mga sinasabi niya na in-estafa ko iyong sasakyan niya. Ang totoo niyan ay ako ang may-ari ng rent-a-car. Six cars ang nasindikato sa akin. I’ve recovered two cars. Ang nangyari lang ay hindi na-recover iyong sasakyan niya. I can prove all in black and white na nag-operation iyong taga-ANCAR. I have nothing to hide.”

Umabot na diumano sa demandahan ang magkabilang kampo. Handang-handa raw si Matthew na magdemanda laban kay Ahron at ganon din ang aktor na nagpunta pa sa Cubao Police Station.

May panawagan si Ahron sa publiko. “If ever man na wala kay Matthew ang sasakyan ko kung sino man po ang makakita ng Avanza white na may plate number ZTB 383 sana po i-report ninyo na lang po sa Crame o sa ABS. Gusto ko lang makuha dahil sobrang pinaghirapan ko po itong sasakyang ito.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Ahron Villena, binuweltahan ng suspek sa pagkawala ng kotse

  1. LIABLE PA RIN ANG MAY ARI NANG RENT A CAR DAHIL NA SA KANYANG POSESYON ANG KOTSE AT PINAGKATIWALAAN SIYA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.