Agusan del Sur hostage-taking 1 pang bihag, laya na

ISA PANG BIHAG ng Kimkim Perez group ang pinalaya noong Lunes sa Agusan del Sur.

Kinilala ito na si Marvin Jay Corvera, 13 anyos at kabilang sa grupo ng mga guro at estudyanteng dinukot ng mga Manobo noong Abril 1.

Ayon kay Col. Eugene Osias, spokesperson ng 4th IB Philippine Army, pinakawalan ng mga hostage-taker ang naturang bihag, matapos inihatid ang mga supply ng pagkain, tubig at gamot.

Dagdag pa ng opisyal, isinailalim na sa psychological debriefing ang bata upang masigurong nasa maayos na kalagayan ang pisikal at emosyonal na kondisyon ng biktima.

Nagpaliwanag naman ang local crisis management committee kaugnay sa nasabing development.

Magugunitang dalawa sa mga guro ay pinalaya rin nitong nakalipas na Linggo na sina Diosdado Cabantac at Hipolito Lastimado, DepEd-Caraga division coordinator. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.