Agua Bendita, nanghiram lang ng swimsuit!

BONGGANG-BONGGA ANG NAGING pilot episode ng Agua Bendita. Maraming magandang feedbacks ang nakuha ng naturang show at pumalo pa ito ng 37% sa TNS National Rating Survey noong Lunes. In fairness, maaga pa lang ay may mga nagsasabi na promising daw ang show na ito.

Pressured na pressured naman ang feeling ng mga bida ng naturang soap opera lalo na si Andi Eigenman dahil siya ang bida rito. “Sobra po akong kinakabahan talaga kasi hindi ko naman po inaasahan itong break na ito na ibibigay sa akin. Akala ko ano lang, pero hindi ko ine-expect na ganito ‘yung ibibigay sa akin ng ABS-CBN, kaya sobrang thankful po talaga ako,” kinakabahang sagot ng batang aktres.

Ganito rin ang nadarama ng mga kasama ni Andi sa soap na sina Jason Abalos at Matteo Gudicelli. “Sobrang pressured talaga. Kasi ‘yung pinalitan naming show, eh, sobrang laki. Sobrang bigatin. Kaya asahan n’yo pong gagalingan namin talaga at ibibigay namin ‘yung best namin para masuklian ‘yung tiwalang ibibigay sa amin ng mga manonood,” pahayag ni Jason Abalos.

Happy to be a Kapamilya again si Matteo na pansamantalang nawala at nagtrabaho sa GMA-7. Hindi rin niya ine-expect na ganito kalaking break ang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN kaya naman puspusan din siya sa pag-arte at pagsanay pa sa Tagalog. ‘Yun daw ang madalas nilang pinagkakaabalahan sa set. Tinutulungan daw siya ni Jason sa kanyang mga linya at ito naman ay sobra niyang ipinagpapasalamat.

Pati ang ina ni Andi Eigenman, na si Jaclyn Jose ay kinakabahan din para sa anak. Pero hindi raw niya ito pinapakialaman. Hinahayaan daw niyang ma-explore ni Andi ang kanyang pag-arte na natural. Saka na lang daw siya magbibigay ng kanyang mga pointers or tips kapag napanood na niya ito. Madalas din daw niyang bigyan ng payo si Andi lalo na sa buhay-showbiz. Unti-unti na rin daw nasasanay sa si Andi dahil as early, as in, kung may mga nakukuha siyang good feedbacks about the show, marami din daw dumarating na negative feedbacks. Maraming nagtaas ng kilay dahil baguhan pa raw siya at kung bakit siya na agad ang bida. Payo ni Jaclyn sa kanya ay ‘wag na lang daw itong pansinin at mag-focus na lang daw siya sa kanyang trabaho para mapabuti pa ito at ma-prove na mali ang mga paninira sa kanya.

Nai-share din sa amin ni Jaclyn na ang mga swimsuits palang suot ni Andi sa plug ng show at sa mismong soap lalo na raw ‘yung “silver” swimsuit ay galing sa kanya. Suot daw iyon ni Jaclyn noong early days niya sa showbiz. Hindi na raw niya matandaan kung saang pictorial niya naisuot ‘yun pero sobrang sexy raw siya nu’n talaga! At sobrang proud siya kay Andi ngayon na talaga namang may “K” na itong magpa-sexy talaga suot ang kanyang mga swimsuits!

Congrats muli sa buong staff and crew ng Agua Bendita for a wonderful show. Sana ay magpatuloy sa pagsirit ang ratings ninyo! And as always, may kapupulutang aral na naman ang show na ito kaya tinatangkilik ng mga manonood!

loading...

2 thoughts on “Agua Bendita, nanghiram lang ng swimsuit!

  1. Congrats to the whole staff & crew of Aqua bendeta, sa pilot palang ang ganda na, love John E., Vina M., Pilar Pilapil & Dimple….

    Surely it will be a big hit…………..

Leave a Reply

Your email address will not be published.