Agot Isidro, tinawag na ‘psychopath’ si Presidente Rodrigo Duterte

 alt=

Agot Isidro’s Facebook post

Agot Isidro’s Facebook post

Naka-private na ang isang Facebook post ng singer-actress na si Agot Isidro at hindi na makita sa kanyang timeline, kung saan tinawag niyang ‘psychopath’ o wala sa katinuan si Presidente Rodrigo Duterte.

Biyernes, October 7, nang maglitanya si Agot sa kanyang wall kalakip ang link sa online article ng rappler.com na “Duterte to EU, US: Withdraw aid, we will survive”.

Inilabas ni Agot ang kanyang galit at pagkainis sa sinabing ito pangulo. Aniya, “Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway.

“Pangalawa, ‘yung bansa kung saan ka inuluklok ng 16 million out of 100+ million people ay Third World.

“Kung makapagsalita ka, parang superpower ang Pilipinas, eh. At excuse me, ayaw naming magutom. Mag-isa ka na lang. ‘Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.

“Pangatlo, may kilala akong psychiatrist. Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath.”

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Related Post

loading...

3 thoughts on “Agot Isidro, tinawag na ‘psychopath’ si Presidente Rodrigo Duterte

  1. 1. di ka naman inaaway ni digong bakit mo siya inaaway.
    2. 3rd nga tayo, so hanggang doon na lang talaga tayo, wala na tayong karapatang tumayo sa sarili nating mga paa. yung aid ba na galing sa ibang bansa, nakain ba ng lahat ng pilipino yan. teka lang, baka nakatanggap ka kaya natatakot ka na magutom. laos ka kasi at baka pag di ka nabigyan ng aid ng US eh taob na ang kaldero mo.
    3. may kakilala akong Ob-Gyne, patingin ka kumbakit di ka magkaanak, baog ka? Ah baka ayaw lang ng Diyos na dumami ang lahi mo kasi makasarili ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.