Agot Isidro, tigang ang puso!

ISA SA casts ng Mga Mumunting Lihim ni Direk Joey Reyes ay si Agot Isidro. Bungad ni Agot sa amin, “Ako rito si Sandra, kasama ko sa magkaka-barkada si Carla, si Mariel at tsaka si Olive. So, si Sandra is a simple girl from the beginning na nakapag-asawa ng mayaman.

“So, wala, yumabang, ‘yung ganu’n. But level-headed siya, prangka, prangkang tao, so masakit man ‘yung sinasabi niya, totoo naman. In the end, she cares for her friends.”

Kasama niya sa pelikula sina Janice de Belen, Iza Calzado at Judy Ann Santos. Kumusta naman kaya ang working relationship nila?

Saad niya, “Magkakaibigan kami, magkakaibigan kaming lahat, eh. So ang gaan-gaan sa set, parang it’s a kind of work that you really look forward to, waking up for this kind of work parang ang saya-saya, blessed, ang bilis, maaliwalas, ang funny ng script, ang pretty nu’ng dialogues, so masaya, masaya ‘yung work at sobrang magaan ‘yung feeling.”

Happy naman daw si Agot na palagi siyang naisasama sa mga project ng Cinemalaya. Aniya, “Any Cinemalaya project is an honor for me to do. So I’ve been doing Cinemalaya films, ilan ba, I think dalawa and then this is my third pero directors showcase. Always ‘pag indie film, support naman ako du’n.”

Nakilala rin sa industriya si Agot bilang isang singer. Pero parang naka-focus na ‘ata ito sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. May balak pa ba siyang kumanta o magkaroon muli ng album?

Tugon nito, “Oo nga eh, nakaka-miss din, pero soon, soon. Wala lang kasi sa mga plano lately, eh. I have to do it myself. Hindi na ‘yung may record company, siguro I can do it independently.”

Bakit kaya mas gusto niya ang mag-produce ng sariling album? Sagot nito sa amin, “Siyempre, para meron akong freedom.”

‘Pag magkaroon na ito ng katuparan, all originals kaya ang kanyang kakantahin o cover songs?

Say ni Agot, “Di ko pa alam, I think, ang dami ko na kasing nagawang covers eh, sana this time originals naman.”

Noong nakaraang taon, inamin ni Agot na hiwalay na nga sila ng landas ng dating asawang si Manu Sandejas.

So ngayong 2012, handa na kaya siyang umibig muli? Sagot nito, “Lovelife? Wala namang lovelife.”

Is she dating now? “No, no, no. Wala, very quiet ang buhay ko ngayon, puro focus sa trabaho. No lovelife.”

 

BLIND ITEM: Kinsa Sila? May nakarating sa aming kuwento na itong male singer na kuwestiyonable pa rin talaga ang gender ay may tini-take home daw na bagets sa kanyang condo kapag out of the country ang ka-live in nitong menchu (read-men, lalaki).

Ang tsika pa, nag-aaway na raw itong dalawa dahil nalaman ng menchu na iniuwi ni singer ang bagets sa kanilang mismong tirahan kapag wala siya. Parang ang dating, “okay lang naman na salisihan mo ako pero huwag mo lang dalhin dito at sa ating kama pa”.

May ganu’n? Clue, si male singer ay deadma na sa isyu nang kabadingan pero may nakapagsabi sa amin na bogaling (read-bugaw) na nagpapa-pick up daw ito ng mga kolbams (read-kolboy) sa kanya. Ang bagets naman na tini-take home daw niya ay pumasok at lumabas sa isang bahay somewhere around the metro. Malabo pa rin? Well, read between the lines.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Agot Isidro, tigang ang puso!

  1. AGOT, MANG AGAW KA NA LANG NG LALAKING MAY ASAWA NA, SISIKAT KA PA. SIKAT NA SIKAT ANG MGA KEBIT KEBIT DITO SA ATIN, IYAN ANG USO NGAYON HAHAHAHAAAAAAAAAAAAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.