Agot Isidro, nakatikim ng masakit na salita sa twitter!

“NAKAPAGSASA-LITA SIYA, nagpapatawa pa nga, eh!

Ganito kung ilarawan ni Epi Quizon ang kanyang amang si Dolphy, exactly a week ago when sighted at the Star Awards for Movies. Mukha kasing of all the Quizon children active in showbiz, Epi’s accessibility is because of his visibility.

Sa kuwento ni Epi, bagama’t prone ang kanyang ama sa pneumonia ay maingat naman ang mga bumibisita rito sa kanilang bahay. Kahit ‘yung may konting ubo’t sipon lang ay bawal dumalaw as any slight viral infection may trigger Tito Dolphy’s health discomfort.

Hangga’t maaari, Epi would not make any disclosure kung ano talaga ang karamdaman ng ama, “I’m not in a position to tell, mabuti pa, ask Eric (Quizon) or si Zsa Zsa (Padilla, Dolphy’s live-in partner).” Unawain na lang daw ang kanyang tatay who is 83 years old, na natural na nakararanas ng panghihina na rin ng katawan.

If Epi had his way, he would not allow his dad to go back to work anymore. “Papalag na ‘ko ‘pag bumalik pa siya sa trabaho, although minsan, gusto kong sabihin sa kanya, ‘Dad, ‘lika, trabaho tayo,’ alam ko naman kasi na nami-miss niya  ‘yung dati niyang ginagawa.”

All praises naman si Epi sa ginagawang pag-aasikaso ni Zsa Zsa sa kanyang ama. At a recent event, Zsa Zsa confessed to holding back her emotions sa harap mismo ng kanyang kinakasama. Ganoon din ba silang mga anak ni Tito Dolphy?

“Hindi naman talaga ako nagpapakita ng emotions ko, eh. I’m very secretive when it comes to that,” pag-amin ni Epi.

Here’s hoping that with Epi’s revelations ay mahihinto na ang mga ispekulasyon kaugnay ng kalagayan ng nag-iisang Hari ng Komedya. Long live the king!

 

IF THERE is one important lesson that Agot Isidro may have gleaned out of tweeting, ‘yun marahil ay ang paggamit sa social media na ito kaakibat ang responsibilidad.

In her recent tweet, pinatungkulan ng singer-actress si Grace Ibuna. It was shortly after Grace guested on The Buzz kung saan isiniwalat niya ang matagal nang kinikimkim na damdamin nang mamaalam ang kanyang live-in partner na si dating Congressman Iggy Arroyo.

Agot, instead of being sympathetic to Grace’s plight, tweeted: “Kabit ka pa rin.” Umani ng maraming komento sa Twitter ang tinurang ‘yon ni Agot, but she only refrained from making any further tweets nang may mag-post ng ganitong sagot patungkol sa kanya: “At least, hindi siya (Grace) baog!”

Need we say more?

 

ESPESYAL ANG Wednesday episode ngayon (as well as this coming Friday) ng Face To Face bilang pagdiriwang ng pre-anniversary ng naturang talakserye ni Amy Perez. Pinamagatang GRO Na Mahilig Sa May Sabit, Sariling Dugo’t Laman Ang Nakalawit!, first time on TV na ang ganitong tema ay inaprubahan ng MTRCB.

Kuwento ito ni Salve, isang bagong salta sa lugar kung saan halos ipako na siya ng kanyang mga kapit-bahay sa pangangalakal ng kanyang laman. Pero ang pinakasensitibong parte ng kanyang trabaho ay nang matuklasan niya na ang kanyang sugar daddy ay mismong ama pala niya! Ang ina ni Salve na si Mina ay nabuntis ni Crisanto na isa sa kanyang mga paro-

kyano.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

21 thoughts on “Agot Isidro, nakatikim ng masakit na salita sa twitter!

  1. Mamili kayo- baog o kabet? Sa baog na ako! Pag kabet wala kang respeto sa sarili mo. At ano ba ang reason bakit ang isang babae nangangabet? PERA. lYan ang dahilan. Wag na tayong magpakatanga- ikaw ba kakabit kung wala namang pera ang kakabitan mo? Ang mga kabet walang pakialam mga yan kahit lalo pang masira ang sira ng pamilya ng isang lalake- basta pera ang usapan sheeege. Ang baog naman, hindi kasalanan yan, kundi yan talaga ang kaloob ng diyos sayo.

  2. bakit iniwan ng asawa si agot? sana inayos muna nya buhay nya bago makialam sa iba! ayan nasabihan ka tuloy na baog! At least si grace pwede pa syang magsalita na hindi sya kabit pero itong pakontrobersyal na ito! ala na kasi baog talaga sya! Tsk Tsk next time mag isip muna bago mangalkal ng problema ng iba!!!

  3. Kung hindi nmn kse pumapel si Grace di nmn maghihiwalay ung mag-asawa. Mang aagaw tlga, alam na nga na may asawa pumatol pa.

  4. Kelan pa naging santa ang mga kabet!!! Mamatay na sana lahat ng kabet,,, mapalalake or babae!!! Mamatay na kaung lahat

  5. alah ka sbi q na b lalala ang usapng bAog at kaBit sa twitTer,isa aq sa nagreaCt at nag nagtweEt KNG bt nkisasaw saw pa kc yung isa ng nagsAbi NG bAog..at e2ng nagsbi ng BAOG cnabiHan ng netw0rk na BASTOS. . ..kaluRqui ka teh..

  6. e kung hindi ba napakatanga ni agot! pero nagpapakontrobersyal lang iyan! ngayon nasaktan ka kasi nasampal sa mukha mo na baog ka! 

  7. i understand agot..cguro based from the experience kya ganun cguro xa mgreact..bka ngkaron dn ng 3rd party ung marriage nla dati..my kanya2 nmng opinyon ang bwat tao eh..

  8. To those mean bashers of Zsa Zsa Padilla, pabayaan ninyo siyang magtrabaho at suportahan na lang ninyo. She has a family to support and Dolphy most likely requires constant medical attention kaya ang medical bills are piling up. Sa age difference nila, I salute Zsa Zsa dahil lagi siyang nasa tabi ni Dolphy. Sa mg anak naman ni Dolphy na hanggang ngayon ay umaasa pa rin sa kanya maski mga gurang na, hopefully matauhan sila dahil Dolphy will never be here for the rest of their lifetime to support them financially. On the subject of Grace Ibuna, Iggy can get a private nurse, hospice to take care of him, pero iba na ang nagaalaga sa iyo na may kahalong pagmamahal. Grace gave this to Iggy. Nasaan si Alleli during this time ? They have filed for annulment ongoing 5 years na and Alleli even filed a restraining order against Iggy. Ngayon na wala na siya, humahabol si Mrs. Financial gain ?

  9. Come on paano ba magkakaroon ng kabit ang isang taong hiwalay na sa asawa?  Iggi and Aleli were no longer together before Grace came to his life pano magiging kabit yun?!  May ongoing na ngang annulment ano pa ba.  Gamitin kaya ang utak paminsan minsan.  Ang kabit eh yung mga babaeng nakikisama sa taong very much married meaning inuuwian ang asawa at mga anak.

  10. Ewan ko ba sa Pilipinas kung bakit naglo-glorify ang mistress. Ke magandang terminology na mistress or kabit, it all boil down to 1 meaning you are not the legitimate partner at sana huwag siyang papel ng papel. Eh nuong araw, nagtatago sila para hindi mabuko, ngayon mas matapang pa sa legit. Ano ba ang moral conviction ng mga tao bumababa na porke money talks ang usapan. Pwe, maghunus dili naman kayo. Kahit anong sabihin labas siya sa usapan kahit anong bagay. Mag back stage na lang siya hindi out of Grace.

Leave a Reply

Your email address will not be published.