Aging starlet has stinky condo

OLA CHIKA! NALOKA ako nang mapadpad ako sa isang condo building diyan sa Mandaluyong, kung saan nakatira ang balahura at burarang aging starlet, huh!

Naloka ako dahil tinawag ako ng kalikasan kaya naghanap ako ng comfort room. Paglabas ko, nakilala ako ng janitor ng building. Ang lola n’yo, patay-malisa sa mga kuwento ng janitor. Hanggang sa naikuwento nito ang tungkol sa burarang aging starlet.

Parati raw inirereklamo ng kanyang mga kapitbahay ang aging starlet dahil sa sobrang ingay nito. Kahit daw sa gabi, nakakabulahaw na ng kapitbahay at mistulang nasa bundok kung magdadakdak ang balahurang aging starlet.

‘Eto ang ikinaloka ko. Dahil nakitaan sa unit ng aging starlet ng isang pasador na inilagay lang sa gilid at hindi man lang itinapon sa basurahan, huh! Kaya amoy na amoy raw ang sobrang baho nito sa buong condo, at umaalingasaw ang amoy nito, na halos masuka ang mga kapitbahay sa baho, eh dahil kung anu-anong basura ang ipinagtatatapon ni aging starlet. Nakakaloka!

Nagdadala pa raw ito ng lalaki sa condo bukod sa sinasabi nitong boyfriend, huh! Kalerke talaga! Ay naku, hindi n’yo na kailangan ng clue, dahil kilala siya. Isa siyang basura sa paningin ko. Hahaha! ‘Yun na!


AYON SA ILANG
chikadorang friend ko rito sa showbiz, salot daw sa industriya si Dra. Vicki Belo. Sa mga hindi pa nakakakilala sa celebrity doctor na ito, ito ang tipong akala mo ay true ang lahat ng mga sinasabi, o binibitiwang salita. Ngunit hindi na mabilang sa mga daliri ang mga celebrity na nakaaway ng hitad na doctor, huh!

Isa na sa mga ito si Rosanna Roces, kung saan malaking isyu ang nangyari sa kanila noon na hanggang nagyon, hindi pa natutuldukan. Sumunod si Kris Aquino, kung saan pati ang asawa nitong si James Yap, nakaladkad din ang pangalan dahil sa nangyari sa Belo Clinic na may kaugnayan ang isang Hope Centeno.Pati si Ai-Ai delas Alas, hindi rin maganda ang sinapit kay Dra. Belo.

Ang pinakamatinding naapektuhan ay si Katrina Halili na talaga namang nanamlay ang career, dahil sa pagkakadawit sa isyu ni Belo at ng dati nitong dyowa na si Hayden Kho. Napaiyak na nga lang dito ang magdang actress.

Ngayon nga, ang bagong kinalaban na naman ng hitad na doctor ay ang kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi na si Boy Abunda. Ayon sa aking kuro-kuro.

Ginamit lang ni Dra. Belo ang pangalan ni Boy upang maging maingay ang kanyang kumpanya, dahil ayon sa aking parazzi girl, tumamlay na nga ito. Kaya kailangang gumamit ng malaking pangalan para upang pag-usapan, huh!

Malaking katangahan at kaiprokritahan ang ginawa ni Belo. Ewan ko lang kung saan inilagay ni Dra. Belo ang kanyang utak, kung bakit nakapagbitaw ito ng ganu’ng salita laban kay Boy. Kung may utak ka, hindi mo kailangang gumawa ng ganyang klaseng gimik kung gimik man ito, o baka naman inggit lang.

Hindi ko nga makakalimutan ang pahayag ng isang aktres , kung saan sinabihan ito noon na hindi siya credible na doctor, huh! Alam ko kung sino ang nagpapatakbo sa utak ni Belo.
Pati ang dating dyowa n Belo, nag-react na rin sa mga binitiwang salita ng hitad na doctor, kung saan inakusahan niya itong kinukuha ang bahay ng kanyang ina, at halos lahat ng kanilang ari-arian. Magtigil ka nga, majonda ka na! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.