AGING DIVA, INIIWASAN NA NG PRESS PEOPLE

KINSA SIYA? SINO itong hindi na kabataang diva ang tinatakan na raw ng press people dahil sa kanyang hindi magandang ugali?

One time sa isang event, hindi magkandaugaga ang press at TV crew sa pag-interview ng mga artista at personalidad na dumalo. Tanong dito, tanong doon, sagot dito at sagot doon naman ang drama ng kanilang iniinterbyu. Ito na ang highlight, nang mapansin ng mga TV crew na paparating na ang aging diva, kanya-kanya raw sila ng drama na kunwari ay busy sila at hindi siya napansin.

Ang iba ay nagtsitsismisan, ang iba ay nag-picture-picture sa kanilang cellphone dahil ayaw talaga nilang interbuyuhin ang aging diva. Kasi, nung kasikatan daw nito noon, e masyadong mataray at suplada itong si diva!

(Arniel Serato)

Related Post

loading...

2 thoughts on “AGING DIVA, INIIWASAN NA NG PRESS PEOPLE

Leave a Reply

Your email address will not be published.