Agimat ni Don Ramon ang kanyang pamilya!

LAST SUNDAY, BONGGACIOUS ang Father’s Day celebration ng pamilya Revilla para sa mapagmahal nilang amang si Ramon Revilla, Sr. na ginanap sa mansion nila sa Imus, Cavite. Maganda ngayon ang pangangatawan ni Don Ramon,  masigla at bumata sa paningin namin. Tuloy, pumasok sa isipan namin ang agimat nitong taglay kaya patuloy ang paglakas ng action king.

As usual, punong-abala ang magkakapatid na sina Rowena, Andrea at Princess Revilla sa paghahanda ng aming pananghalian nang araw na ‘yun. It’s a family reunion, para lang sa mga anak at apo ni Don Ramon. Isa-isa silang lumapit at bumati ng Happy Father’s Day sa kanilang minamahal na ama. Nakatutuwang pagmasdan, magkakasundo lahat ang mga anak ni Senior. Bakas sa mukha ng dating senador ang kaligayahan kaya determinado siyang muling makalakad.   Masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan sa dining table sina Senator Bong Revilla, Lani Mercado, Brian Revilla, Marlon Bautista and Rizal Governor Casimiro Ynares III (asawa ni Andrea Bautista). Present din ang mag-asawang Robert Jaworski, kakuwentuhan ang kanyang father-in-law. Habang ang mag-asawang Inah at Vince Del Rosario ay nakamasid lamang. Makikita mo kung gaano ka-solid ang samahan ng Revilla clan.

Ang masasabi lang namin, maraming salamat sa pamilya Revilla na naging bahagi ng buhay namin. Sa pagbibigay-daan para masaksihan at maramdaman namin ang kanilang pagmamahal at pag-aalaga sa kanilang ama na si Ramon Revilla Sr.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.