Agenda ni Reyes, malabo pa rin – De Lima

AMINADO SI Justice Sec. Leila de Lima na blangko pa rin sila sa tunay na dahilan ng pag-uwi ni Atty. Jessica “Gigi” Reyes, ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile.

Sinabi ng kalihim na maging ang unang panayam ng media kay Reyes ay hindi pa rin mapagbabasehan ng plano nito sa paglantad.

Hinala ni De Lima na naubusan na ng opsyon ang dating tauhan ni Enrile kaya piniling harapin na lang ang kaso.

“Maybe it’s out of necessity coz she felt she has ran out of options or out of self-preservation. What her real agenda is in coming back remains to be seen,” pahayag ni De Lima.

Maging ang abogado ng testigong si Marina Sula na si Atty. Lourdes Benipayo ay nagtataka sa timing at istratehiya ni Reyes.

Nangangamba naman ang panig ng mga witness na makapagpabagal sa usad ng nasabing kaso ang paglantad ng dating chief of staff.

Maaalala na si Reyes ang itinuturo ni Ruby Tuason na naging ka-deal niya para kay Enrile kaya nakapaglabas ng pondo na idinaan sa bogus na NGO ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.