Agawan sa Yelo, Isa kritikal

 

KRITIKAL ANG isang lalaki matapos saksakin ng nakaagawan sa yelo sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Don-Don Altarejos, 29 ng Pla-Pla St., Caloocan City.

Nakatakas naman ang suspek na si Joselito Nichason, nasa hustong gulang ng Block 25, Navotas.

Base sa ulat, alas-6 ng gabi, kapwa kukuha ng cube ice ang biktima at suspek sa Dalagang Bukid, North Bay Boulevard South ng lungsod nang mag-agawan sa mga nakasakong yelo.

Nagkainitan ang biktima at suspek hanggang sa magbunot ng patalim ang huli at tarakan ang una.

Agad na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TGH.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.